Balita

Kelot nasabugan, naputulan sa ‘boga’

- UY, DAMI KO’NG GIFTS! Charina Clarisse L. Echaluce ALI VICOY

Makaraang gumamit ng ilegal na paputok, isang 29-anyos na lalaki sa Pangasinan ang unang naputulan ng bahagi ng katawan ngayong taon, iniulat kahapon ng Department of Health (DoH).

Ayon s “Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017 Report No. 4”, naputulan ng bahagi ng katawan ang lalaki matapos gumamit ng Boga, isang ilegal na paputok.

“A blast injury with amputation due to Boga was reported,” ayon sa DoH. “This is a case of a 29year- old male from Basista, Pangasinan and admitted at Region I Medical Center.” Gayunman, hindi na naglabas ng iba pang detalye ang kagawaran kaugnay ng insidente.

Samantala, bumaba ang bilang ng mga nabibiktim­a ng paputok ngayong taon, kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2016.

Ayon sa report, may kabuuang 14 firecracke­r- related injuries ang naitala simula 6: 00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 6: 00 ng umaga ng Disyembre 25.

“This is 37 cases [ or 73 percent] lower than the five- year average and 22 cases [ or 61 percent] lower than the same time period last year,” anang DoH.

Una nang sinabi ni Health Undersecre­tary Gerardo Bayugo na inaasahang mababawasa­n ng 50% ang mga kaso ng pagkasugat dahil sa paputok ngayong taon dahil sa pagpapatup­ad sa nationwide firecracke­rs ban.

“Last year, we recorded a 32 percent reduction in injuries due to rumors that there will be a ban. So this year we see further reduction of 50 percent now that the ban is already in place,” ani Bayugo.

Pawang bata, kabilang ang isang 11-buwan, ang unang limang nasugatan sa paputok ngayong buwan, ayon sa DoH.

Nabitiwan ng bata ang mga bitbit niyang laruan nang masilip sa supot ang iba pang regalo para sa kanya ng kanyang mga magulang habang namamasyal sila sa Luneta Park sa Maynila kahapon, araw ng Pasko. Nakaugalia­n na ng maraming taga-Metro Manila na ipagdiwang ang Pasko sa paboritong pasyalan ng mga Pinoy sa Maynila.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines