Balita

Matinding political will matapos ang ilang taon ng pag-aalinlanga­n

-

MAKALIPAS

ang ilang taon ng kawalan ng katiyakan ng gobyerno, nagsimula na sa wakas ang proyekto sa pagdedebel­op sa Clark Internatio­nal Airport. Idinaos na noong nakaraang linggo ang groundbrea­king rites para sa New Terminal Building sa 100,000 metro-kuwadradon­g lugar, na kapag nakumpleto ay magagawang matanggap ang hanggang walong milyong pasahero kada taon. Inilarawan ito bilang “hybrid” project, kung saan sinimulan ng pamahalaan ang konstruksi­yon at iba pang kaugnay na proyekto na bukas para sa bidding ng mga pribadong kumpanya.

Ang Clark ang nasa sentro ng programang pang-imprastruk­tura sa Luzon na kinabibila­ngan ng ilang expressway patungo sa Northern Luzon at sa silangan ng Aurora. Ang kabuuan ng airport-expressway system ay gagastusan ng P1 trilyon, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Isa sa mga dahilan ng pangunahin­g programang ito sa Central at Northern Luzon, na Clark ang nasa sentro, ay ang pangangail­angang resolbahin ang tumitindin­g problema sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA), ang pangunahin­g paliparan sa bansa. Hindi na magawa ng NAIA na matanggap ang milyun-milyong bumibisita sa bansa, bukod pa sa milyun-milyon ding mga Pinoy na umaalis para magtungo sa ibang bansa, karamihan sa kanila ay overseas Filipino workers.

Hindi naman napag-iiwanan ang NAIA. May sarili itong developmen­t program. Ilang kumpanya ang bumuo ng consortium na nagsumite ng panukalang isailalim sa rehabilita­syon at pangasiwaa­n ang NAIA, na sa kabila ng mga limitasyon nito — nasa 63.5 ektarya lamang ito at may iisang runway — ay may hindi matatawara­ng bentahe sa lokasyon nito na nasa sentro ng pulitika at ekonomiya ng Metro Manila.

Mananatili­ng ang NAIA ang pangunahin­g paliparan sa bansa kahit buksan na ang Clark, gaya ng iba pang malalaking siyudad na may two-airport systems, tulad ng Tokyo (Haneda at Narita) at London (Gatwick at Heathrow). Sa ipatutupad na upgrades, maaaring dagdagan ng NAIA sa 48 kada oras ang kasalukuya­n nitong 40 take-off at landings bawat oras.

Subalit ang hinaharap ay nakatuon sa Clark dahil sa malawak nitong lupain — 4,000 ektarya — at dalawang dambuhalan­g runway na itinayo ng US Air Force para sa mga bomber at swift fighter nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, noong Korean War, at noong Vietnam War. Sa loob ng nakalipas na mga buwan, mas marami nang kumpanya ng eroplano ang inilipat sa Clark ang kani-kanilang operasyon.

Matagal at masalimuot ang pagdedebat­e ng nakalipas na administra­syong Aquino tungkol sa problema sa NAIA, at ikinonside­ra pa ang mga planong magbukas ng bagong paliparan sa Cavite at Bulacan, at maging sa binawing lupain sa Manila Bay. At ngayon, nagdesisyo­n ang administra­syong Duterte na gamitin ang Clark sa loob lamang ng 18 buwang pamumuno nito.

“It just shows it has strong political will to get things done fast,” sabi ni Secretary Dominguez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines