Balita

PH Sports sa 2017: Tagumpay at kontrobers­ya

- Ni BRIAN YALUNG

HINDI magkandaug­aga ang sambayanan sa pagtanggap sa malalaking kaganapan sa Philippine sports sa taong 2017. Mula sa basketball, boxing at national meet, magkasalon­g tagumpay at kontrobers­ya ang pinagsaluh­an ng bayan.

Nangunguna sa listahan bilang may pinakamara­ming ‘shared’ sa Manila Bulletin Sports Online ang kontrobers­yal na trade sa PBA at ang sopresang pagkatalo ni Manny Pacquiao sa Olympian na si Jeff Horn ng Australia.

1. Chris Ellis, ipinamigay ng Ginebra sa Blackwater

Nangunguna sa listahan ng MB Sports Online ang usap- usapang trade ng Ginebra kay Chris Ellis. Nitong Agosto, ipinamigay ng Gin Kings ang high- flying guard sa Blackwater Elite kasama si Dave Marcelo kapalit nina Art Dela Cruz at Raymond Aguilar.

Marami ang namangha sa aksiyon ng Ginebra bunsod ng katotohan na high- valued ang tinagurian­g “Air Force” Ellis. Ngunit, hindi rin nakapaglar­o si Ellis bunsod ng injury at kalaunan ay naging free agent sa merkado.

2. Pagpabor ni Marquez kay Pacquiao

Ginulantan­g ang boxing community nang matalo ang eightdivis­ion world champion na si Manny Pacquiao kay Australian Jeff Horn via unanimous decision nitong Hulyo. Nagpupuyos ang mga boxing experts sa kinahinatn­an ng laban kung saan dominante ang Filipino champion mula simula hanggang huling batingaw.

Maging si Juan Manuel Marquez, ang mahigpit na karibal ni Pacquiao mula noong 2012, ay tinuligsa ang kinalabasa­n ng laban at iginiit na tunay na panalo si Pacman laban sa 24-anyos na si Horn.

Sa panayam ng ESPN Deportes,sinabi ng 43-anyos na si Marquez walang kapana- panalo si Horn at binira ang pagiging incompeten­t.

3. ‘ Super player’ ipinamigay ng Kia

Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni PBA Commission­er Chito Narvasa nang payagan niya ang trade sa pagitan ng KIA at San Miguel Beer kung saan napunta sa matatag nang San Miguel Beer ang top pick at Gilas Pilipinas member 6-foot-7 Christian Stanhardin­ger. Naging matindi ang ratratan ng mensahe sa social media bunsod nang katotohana­n na talong-talo ang KIA dahil tatlong bench-warmer player ang kapalit ni Standhardi­nger.

Pitong miyembro ng PBA Board na mas kilala bilang 7-man MVP Group ang nagpasa ng resolusyon na nagpapatal­sik kay Narvasa bunsod nang kabiguan maabatan ang klarong agrabyado ang KIA sa naturang trade. Umabot sa puntong nagkabangg­aan ang 5-man group na mas kilala bilang ‘Ramon Ang’ group at ang MVP group dahil sa palitan ng maaanghang pnanalita laban kay Narvasa.

Bago ang season opening para sa taong 2018, nagbitiw si Narvasa sa pagiging PBA Commission­er.

4. Bigong Grand Slam bid ng Beermen

Kinapos ang San Miguel Beermen para sa isa na namang Grand Slam sa PBA. Nakopo ng Beermen ang Philippine Cup laban sa sister team Barangay Ginebra at Commission­ers Cup kontra TnT KaTropa, ngunit nabigo ang SMB sa Governors Cup.

Bunsod nang kabiguang makakuha nang mas malakas na import, lungayngay ang Beermen sa Gin Kings – ang koponan na tinalo nila sa Philippine Cup.

5. Ateneo Blue Eagles bilang UAAAP champion

Muling nabuhay ang hidwaan ng DLSU Green Archers at Ateneo Blue Eagles sa UAAP Season 80, ngunit ang Katipunan-based cagers, sa pagkakaton­g ito, ang umuwing nagdiriwan­g

Sa pangangasi­wa ni coach Tab Baldwin, naungusan ng Blue Eagles ang Archers sa best- of- three title series.

6. Nabalewala ang elims sweep ng Lyceum kontra Red Lions.

Agaw atensyon ang Lyceum Pirates sa NCAA Season 93 matapos an g makasaysay­ang sweep sa double eliminatio­n ng Intramuros­based cagers sa pangunguna ni CJ Perez.

Liyamado ang Pirates, ngunit ipinamalas ng Red Lions ang tapang ng isang tunay na kampeon nang pabagsakin ang Pirates at muling tanghaling kampeon .

Usap-usapan din sa social media ang mga sumusunod:

• PH Dragon Boat team na gumawa ng world record sa matikas na kampanya (tatlong ginto) nitong Hulyo 2017

• Tinanghal na kampeon sa HongKong Internatio­nal Rhythmic Gymnastics si Breanna L. Labadan, 11- year- old category of the Hongkong Internatio­nal Rhythmic Gymnastics competitio­n

• Pagwawagi ni Maria Dessa Delos Santos ng tatlong silver medal sa Asian Youth at Junior Weightlift­ing Championsh­ip

• Pagkapanal­o ni Jerwin Ancajaskon­tra Japanese challenger Teiru Kinoshita para maodepensa ang Internatio­nal Boxing Federation (IBF) super-flyweight crown

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines