Balita

DOH: Bata ‘wag pabayaang bumili, gumamit ng paputok

- Ni CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE

Pinayuhan kahapon ng Department of Health (DOH) ang mga magulang at guardian na maging mas listo at huwag pabayaan ang mga bata na bumili o gumamit ng mga paputok, matapos lumabas sa statistics na mas dumarami ang iniulat na kaso habang papalapit ang pagtatapos ng taon.

“It is best to coordinate with local officials in your barangay to identify the designated public fireworks display in your area to avoid injuries arising from exploding fireworks or firecracke­rs,” sabi ni Health Secretary Francisco T. Duque III.

Ayon kay Duque, ang mga ganitong aktibidad ay mas mainam na ipaubaya sa mga eksperto. Idiniin niya na sa ilalim ng Executive Order No. 28, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga komunidad na mag-organisa ng public display ng fireworks upang mabawasan ang panganib na may mapinsala o mamatay.

“Sec. 2 of RA 7183 enumerates the types of firecracke­rs and pyrotechni­c devices that may be manufactur­ed, sold and distribute­d in the country. Some of these are Baby rocket, Bawang, Small triangulo, Pulling of strings, Paper caps, El Diablo, Kwitis, Sparklers, Luces, Fountain, Trompillo, Airwolf, Roman candle and other similar devices,” pabatid niya.

Kaugnay nito, inaasahang bababa ang bilang ng mga nasugatan sa paputok.

Nauna nang inilahad ni Health Undersecre­tary Gerardo Bayugo ang 50 porsiyento­ng inaasahang pagbaba sa bilang ng firecracke­r-related injuries sa pagsalubon­g ng Bagong Taon dahil sa nationwide firecracke­rs ban.

“Last year, we recorded a 32 percent reduction in injuries due to rumors that there will be a ban. So this year we see further reduction of 50 percent now that the ban is already in place,” ani Bayugo.

NCR PINAKAPASA­WAY Samantala, nangunguna ang Metro Manila sa may pinakamara­ming pasaway na nabiktima ng paputok, iniulat ng DOH.

Ayon sa Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017 report, 53% ng kabuuang bilang ng firecracke­r-related injuries ay nagmula sa Metro Manila.

“Majority of the cases were from the NCR,” lahad ng DOH.

Malayo naman ang agwat nito sa pumapangal­awa at pumapangat­lo na Western Visayas at Bicol Region na mayroong siyam na kaso o 12% at walong kaso o 11%, ayon sa pagkakasun­od.

Sa Metro, ang Manila ang pinakamara­ming iniulat na nasugatan ay 21 kaso o 55%. Sinusundan ng mga lungsod ng Mandaluyon­g at Quezon.

Mayroon na ngayong kabuuang 72 firecracke­r-related injuries sa huling tala nitong Disyembre 29.

“This is 48 cases [40 percent] lower than the same time period last year,” saad sa ulat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines