Balita

PH kinondena ang suicide bombing sa Afghanista­n

- Roy C. Mabasa at Reuters

Kinondena ng gobyerno ng Pilipinas kahapon ang panibagong pag-atake ng suicide bombers sa Kabul, ang kabisera ng Afghanista­n, na ikinamatay ng 41 katao at ikinasugat ng mahigit 80 iba pa.

Inako ng grupong Islamic State ang pagatake, sinabing ito ay dahil tumatangga­p ang center ng suporta mula sa Iran.

Sinabi ni Waheed Majrooh, tagapagsal­ita ng Ministry of Public Health, na 41 katao, kabilang ang apat na babae at dalawang bata, ang namatay at 84 ang nasugatan.

Naganap ang pag-atake habang ginagawa ang morning panel discussion sa anibersary­o ng pananakop ng Soviet sa Sunnimajor­ity Afghanista­n sa Tabian Social and Cultural Centre, ayon sa mga saksi.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipino na kabilang sa mga namatay at nasaktan sa Shi’a cultural center and news agency na matatagpua­n sa parehong gusali sa Kabul.

Nagpaabot din ang Pilipinas ng pakikirama­y at pakikiisa sa gobyerno ng Afghanista­n sa pagdadalam­hati nito sa maraming buhay na nawala sa nasabing terror attack.

“We condemn this senseless act of violence that deliberate­ly targeted innocent civilians, many of them young students and even some women and children,” saad sa pahayag ni DFA Secretary Alan Cayetano.

Sinabi ni Charge d’Affaires Anwar Ito ng Philippine Embassy sa Islamabad, Pakistan na may hurisdiksi­yon sa Afghanista­n, na wala sa tinatayang 1,500 Pinoy na nagtatraba­ho sa Kabul at iba pang bahagi ng bansa ang kabilang sa mga nasawi sa pag-atake na ayon sa United Nations ay sinadyang targetin ang mga sibilyan.

“I have little doubt that this attack deliberate­ly targeted civilians,” sabi ni Toby Lan- zer, acting head ng United Nations Assistance Mission sa Afghanista­n.

Ayon sa mga ulat, ang unang pagsabog ay isinagawa ng suicide bomber na nakaupo kasama ang mga estudyante sa isang lecture sa Shi’a center.

Pinayuhan ng embahada ang mga Pilipino na manatiling alerto at mag-ingat para matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.

 ?? AP/RAHMAT GUL ?? WALANG PUSO Binubuhat ng mga tao ang kabaong ng isang kamaganak na namatay sa suicide attack nitong Huwebes sa Shiite cultural center sa Kabul, Afghanista­n, kahapon, Disyembre 29, 2017.
AP/RAHMAT GUL WALANG PUSO Binubuhat ng mga tao ang kabaong ng isang kamaganak na namatay sa suicide attack nitong Huwebes sa Shiite cultural center sa Kabul, Afghanista­n, kahapon, Disyembre 29, 2017.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines