Balita

Sputnik member dinakma sa pag-aamok

- Bella Gamotea

Idiniretso sa selda ang umano’y miyembro ng Sigue Sigue Sputnik gang matapos mag-amok sa Pasay City, nitong Huwebes ng hapon.

Kasalukuya­ng naghihimas ng rehas sa Pasay City Police at iniimbesti­gahan ang suspek na si Nicolas John Cifra y Tommy, 21, binata, ng No. 27 R. Layug Street, Bgy. 2 Zone 1 ng lungsod.

Base sa ulat, naganap ang insidente sa panulukan ng Roxas Boulevard at Layug Sts., Bgy. 2, bandang 12:20 ng hapon.

Unang nakatangga­p ng tawag ang Police Community Precinct (PCP) 1 CCP Complex mula sa isang concerned citizen at ini-report ang isang lasing at armadong lalaki na naghahamon ng away.

Agadrumesp­ondeangmga­pulis at nadatnan si Cifra na nanggugulo sa lugar na naging sanhi ng kanyang pagkakaare­sto.

Nakumpiska sa suspek ang isang folding knife na pitong pulgadang haba at isang bala ng caliber 7.62.

Mahaharap si Cifra sa kasong paglabag sa alarm and scandal, BP 6 at RA 10591 sa Pasay Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines