Balita

Swiss tiklo sa pandadakma ng puwet

- Gabriel Agcaoili

Arestado ang isang Swiss matapos umanong mandakma ng puwet ng babae sa loob ng isang mall sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Markus Vollenweid­er, 65, residente ng V. Mapa Street, Sta. Mesa, Maynila. Ang biktima naman ay si Kyzia Mari Pamintuan, 26, ng Singgalong, Maynila.

Base sa inisyal na imbestigas­yon, naglalakad si Pamintuan sa ikatlong palapag ng SM Centerpoin­t sa Aurora Boulevard, bandang 2:15 ng hapon.

Tinisod umano ni Vollenweid­er, na nasa likod ni Pamintuan, ang biktima dahilan upang bumangga ito sa suspek. Dito na umano dinakma ng suspek ang puwet ng biktima.

Agad inaresto ng guwardiya, na nakasaksi sa pangyayari, ang suspek at tumawag sa awtoridad.

Dinala si Vollenweid­er sa Quezon City Police (QCPD) Criminal Investigat­ion and Detection Unit upang imbestigah­an.

Sinabi ng QCPD - Women and Children’s Desk sa Balita na tinaggihan ng biktima ang alok na kasunduan ng suspek at nais nitong magsampa ng kaso laban sa Swiss.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines