Balita

₱160k gadgets, cash tinangay sa marketing specialist

- Bella Gamotea

Labis ang panlulumo ng isang marketing specialist makaraang biktimahin ng isang hindi pa nakikilala­ng lalaki na tumangay sa mahigit P160,000 halaga ng kanyang gadgets, cash at personal na gamit sa Muntinlupa City nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Ryel Christian Medina y Maloong, 22, binata, marketing specialist sa Pru Life UK sa Bonifacio Global City, at nakatira sa Mabuhay City, Barangay Mamatid, Cabuyao, Laguna.

Inilarawan naman ang suspek na nasa edad 20-25, katamtaman ang pangangata­wan, may taas na 5’1”- 5’4”, maputi, nakasuot ng bull cap, putting T-shirt, at maong pants.

Sa ulat na ipinaratin­g sa Southern Police District (SPD), naganap ang panghohold­ap sa Alabang Viaduct, tapat ng Metro Bank Labang Branch, Alabang, Muntinlupa City, dakong 4:30 ng madaling araw.

Sa inisyal na pagsisiyas­at, pauwi na ang biktima at nag-aabang ng masasakyan sa lugar nang lapitan ng suspek at tinutukan ng patalim.

Ayon kay Medina, sinabihan siya ng suspek ng, “huwag kang maingay, papatayin kita! Ibigay mo cell phone at bag mo!”

Sa takot ng biktima, napilitan itong ibigay ang kanyang cell phone at bag na naglalaman ng dalawang iPhone 6, na nagkakahal­aga ng P80,000; HP Elite Laptop-P80,000; Philippine Passport; iPhone charger; powerbank; earphones; laptop charger; BPI ATM card; BPI credit card; company ID; Mabuhay Miles; Get go card; DLSU identifica­tion card; wallet na may P4,000 cash; at Uniqlo shirt-P390.

Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng San Pedro Laguna.

Patuloy ang imbestigas­yon at follow-up operation sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines