Balita

2 bebot naisahan ng snatchers

- Bella Gamotea

Kapwa luhaan ang dalawang babae na magkasunod nabiktima ng mga snatcher na sakay sa motorsiklo sa magkahiwal­ay na lugar sa Pasay City, nitong Huwebes ng gabi.

Hinablot ng dalawang lalaki ang cell phone ng biktimang itinago sa pangalang Nancy, 22, habang naghihinta­y ito ng taxi sa panulukan ng F.B. Harrison at Valhalla Streets, dakong 8:00 ng gabi.

Makalipas ang 20 minuto, tinangay naman ang shoulder bag ni Shirley, 25, habang patawid sa Roxas Boulevard corner EDSA.

Hinablot ng backrider ang bag ng biktima na naglalaman ng P5,000 cash at cell phone.

Sa paglalaraw­an ng biktima, nakasuot ang mga suspek ng helmet at short pants.

Binubusisi naman ng Pasay City Police ang closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar, upang matukoy at maaresto ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines