Balita

ComVal councilor patay sa pamamaril

- Fer Taboy

Patay ang isang konsehal habang sugatan naman ang kanyang kasamahan matapos silang pagbabaril­in ng dalawang hindi kilalang suspek sa Montevista, Compostela Valley, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Senior Insp. Ariel Pascual, hepe ng Montevista Municipal Police, na kinilala ang napatay na si Jobert Delos Reyes Matugas, 31, konsehal ng Montevista, habang sugatan naman si Jerwin Reconada, 23, residente ng Purok 4, Barangay New Dalaguet, Montevista.

Batay sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, bandang 7:00 ng gabi nitong Miyerkules nang mangyari ang pamamaril sa bahay ni Matugas sa Purok 8, Bgy. San Jose, Montevista.

Ayon sa pulisya, nag-uusap sina Matugas at Reconada nang biglang dumating ang dalawang suspek at pinagbabar­il ang mga ito.

Nagtamo si Matugas ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan samantalan­g nasugatan din sa mga bala si Reconada.

Kaagad namang tumakas ang dalawang suspek matapos ang pamamaril.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang pitong basyo ng bala.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa konsehal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines