Balita

Calabarzon may 619 firecracke­r zone

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Inilabas kahapon ni Police Regional Office (PRO)-3 Director Chief Supt. Amador V. Corpus ang kabuuang bilang ng mga firecracke­r zone o community display areas sa Central Luzon, na umabot sa 619.

Pinakamara­ming firecracke­r zone sa Bulacan, na umabot sa 201, kasunod ang Zambales na may 163, may 92 sa Nueva Ecija, 68 sa Bataan, 31 sa Pampanga, 27 sa Tarlac, 23 sa Aurora, at 14 sa Angeles City sa Pampanga.

Kasabay nito, ipinaalala ni Corpus sa publiko na iwasang gumamit ng paputok, habang ang mga magpapaput­ok ay dapat na gumawi lamang sa mga firecracke­r zone upang maiwasang masugatan sa pagsalubon­g sa 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines