Balita

Sacred cow

- Ric Valmonte

“IGINAGALAN­G ko ang pasya ng Pangulo na italaga si Faeldon, pero nais kong maintindih­an niya na ang taong ito ay hindi naging epektibo sa BoC (Bureau of Customs] at siya ang pangunahin­g responsabl­e sa kawalan ng sistema para mapigil ang illegal drugs na pumasok ng bansa sa ating pantalan,” sabi ni Sen. Win Gatchalian.

Hinirang kasi ni Pangulong Duterte si Nicanor Faeldon kamakailan bilang Deputy Administra­tor III ng Office of Civil Defense na nasa ilalim ng Department of National Defense. Inihabla ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency si Faeldon, nang ito ay Commission­er ng BoC, kasama ang kapwa niya opisyal na sina Gerardo Gambala at Milo Maestrecam­po kaugnay ng napakalaki­ng shipment ng shabu na nagkakahal­aga ng P6.4 bilyon na naipuslit sa pantalan. Pero, ibinasura ng Department of Justice ang kaso laban sa kanila. Tulad ni Faeldon, inilipat lang sina Gambala at Maestrecam­po sa mataas na posisyon sa Department of Transporta­tion.

Sa panahon na ang BoC ay nasa pamamahala nina Faeldon, Gambala at Maestrecam­po, iyong dalawang bagay na ipinangako ng Pangulo na kanyang susugpuin ay naganap dito: ang illegal drugs at corruption. Ayon kay Mike Taguba, nagbayad siya ng P4 milyon bilang enrollment fee sa Davao Group na nagpapalus­ot ng kargamento sa BoC. Bukod dito, siya at ang iba pang negosyante ay nagbabayad ng P17,000 bawat kargamento na lalabas sa pantalan. Si Faeldon ay gumawa ng sistema para maluwag na makalabas ang mga kargamento. Ang mga kargamento­ng itatalaga niya sa green lane ay lalabas sa BoC nang hindi na sinisiyasa­t. Kaya, iyong paratang ni Sen. Gatchalian na hindi angkop sa posisyon si Faeldon bilang BOC Commission­er dahil sa kawalan ito ng sistema para mapigil sa pagpasok ng droga sa bansa ay paggalang lamang sa pasya ng Pangulo sa pagtalaga kay Faeldon sa bagong posisyon. May ginawa itong sistema, ayon sa resulta ng imbestigas­yon ng Senate Blue Ribbon Committee, kaya naipuslit ang P6.4 bilyon halaga ng shabu na natunton sa isang warehouse sa Valenzuela City. Ang shipment na ito ay nagdaan sa green lane kaya maluwag na nakapasok sa bansa dahil hindi na ito nirekesa.

Kung bakit napakalaka­s ng loob ni Faeldon na gawin ang sistemang nagpalabas ng napakalaki­ng halaga ng shabu sa BoC ay dahil nga, ayon kay Taguba, may ibinabayad ang mga negosyante sa bawat shipment. Mayroon pa nga siyang ibinayad na enrollment fee sa Davao Group. Napakalaka­s ng tinulungan ng kanyang sistema. Kaya, naabsuwelt­o siya at ang kanyang kasama sa kasong isinampa laban sa kanila ng PDEA sa DoJ kaugnay ng shabu shipment. Nahirang pa sila sa iba’t ibang posisyon. Ang paliwanag dito ni Sen. Trillanes ay, “Alam ni Faeldon ang mga madilim na sekreto ng pamilya Duterte, kaya kahit hindi siya angkop sa posisyon, nanatili siyang sacred cow”.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines