Balita

1 Jn 2:12-17 ● Slm 96 ● Lc 2:36-40

-

May isang babaeng propeta, si Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser. Matandang-matanda na siya. Pagkaalis sa bahay ng kanyang ama, pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, at nagbuhay-biyuda na siya at hindi siya umaalis sa Templo. Arawgabi siyang sumasamba sa Diyos sa pag-aayuno at pananalang­in. Walumpu’t apat na taon na siya. Sa pag-akyat niya sa sandaling iyon, nagpuri rin siya sa Diyos at nagpahayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihinta­y sa katubusan ng Jerusalem.

Nang matupad na nina Jose at Maria ang lahat ng ayon sa Batas ng Panginoon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret sa Galilea. Lumalaki at lumalakas ang bata; napuspos siya ng karunungan at sumasakany­a ang kagandahan­gloob ng Diyos. PAGSASADIW­A:

Lumalaki at lumalakas ang bata; napuspos siya ng karunungan at sumasakany­a ang kagandahan­g-loob ng Diyos.— Ang pagiging bata ni Jesus ay isang banal at makabuluha­ng yugto ng kanyang buhay. Kung ang Panginoon mula sa pagiging bata ay lumaki at lumago sa karunungan dahil sa kagandahan­g-loob ng Diyos, inaasahan din naman tayo ng Diyos na lumago sa karunungan at pagmamahal sa kanya at sa ating kapwa. Sa tulong ng paggabay nina Jose at Maria lumaki si Jesus bilang isang mabuting anak. Lumago siya sa kabanalan at naging masunurin sa kanyang mga magulang lalunglalo sa kanyang Amang nasa Langit.

Sa pamamagita­n ng binyag tayong lahat ay naging mga anak ng Diyos. Kaakibat ng binyag, binibigyan ang mga magulang ng tungkuling akayin ang kanilang anak, matapos nilang tanggapin ang sakramento ng binyag, sa pagiging masunurin at pagkakaroo­n ng banal na pagkatakot sa Diyos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines