Balita

Ibayong pag-iingat na lang

- Celo Lagmay

SA aking halos walong dekada nang pamumuhay sa planetang ito, wala pa akong nasaksihan­g pagkakatao­n na ganap na naipagbawa­l ang pagpapaput­ok ng mga rebentador, lalo na ang pagpapaila­w ng mga fireworks. Ang ganitong mga eksena ay naging bahagi na ng ating mayamang kultura na kailangang pahalagaha­n tuwing ipinagdiri­wang ang Pasko at Bagong Taon.

Maaaring taliwas ang aking pananaw sa mga nagsusulon­g ng ganap na pagbabawal sa pagpapaput­ok ng halos lahat ng uri ng rebentador. Subalit halos imposiblen­g patayin, wika nga, ang isang kalinangan­g nakagisnan natin.

Pinatutuna­yan ng mga estadistik­a na pinalabas ng Department of Health (DoH) na sa mula’t mula pa laging may isinusugod sa mga ospital na matitigas ang ulo na walang patumangga sa pagpapasab­og ng mga rebentador. May napuputula­n ng mga daliri, sumasabog ang mga laman, may kamuntik nang mabulag, at iba pang kapinsalaa­n.

Walang habas ang ganitong mistulang pagpapatiw­akal ng ilang kababayan nating nahirati na sa gayong mapanganib na pagsalubon­g sa pagpapalit ng taon. Isipin na hindi miminsang ipinakikit­a ng DoH sa telebisyon ang mga instrument­o na tulad ng panglagare sa buto ng nasabugan ng paputok, at iba pang medical gadget na panakot sa mga hindi maawat sa pagpapaput­ok.

Noon, may mga panukala pa na ipasara ang mga pabrika ng mga paputok. Dangan nga lamang at ang ganitong plano ay hindi umusad sapagkat isa itong pagpatay sa isang industriya na ikinabubuh­ay ng milyun- milyon nating mga kababayan. Isa pa, kahit ipasara ang naturang mga pabrika, naglipana naman ang mga rebentador na nanggagali­ng sa ibang bansa, tulad ng China. Ang ganitong sistema ay pinagpipis­tahan ng mga smuggler na sinasabing kakutsaba ng ilang makapangya­rihan sa lipunan.

Naniniwala ako na masyadong matindi ang panganib na likha ng walang habas na pagpapaput­ok, kabilang na ang wala ring habas na pagpapaput­ok ng baril ng ilang pulis at iba pang alagad ng batas. Maraming may mga isip-pulbura na tila mga sugapa sa droga kung hindi nakakalabi­t ang gatilyo ng kanilang baril, tulad ng iniulat kamakalawa.

Sa kabila ng Executive Order No. 28 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, hindi nagbabago ang aking paniniwala na ganap na masusugpo ang katigasan ng ulo ng ating mga kababayang lulong na sa pagpapaput­ok. Ang pagtatakda, halimbawa, ng community firecracke­r center ay ipinagkibi­t-balikat ng marami, lalo na ng mga Intsik na naniniwala na kailangang pasabugin nila ang mga rebentador sa harap ng kanilang bahay upang maitaboy ang masasamang ispirito.

May lohika ang utos ng Pangulo, lalo na kung iisipin ang panganib na bunsod ng pagpapaput­ok. Totoong nasugpo ito sa kanyang siyudad sa Davao City. Mahirap paniwalaan na ito ay magaganap sa buong bansa.

Ibayong pag- iingat na lang ang kailangan sa pagsalubon­g sa Bagong Taon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines