Balita

Deputy chief dinukot ng NPA sa NorCot

- Ni FER TABOY

Dinukot ng mga hinihinala­ng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang deputy chief ng President Roxas Municipal Police sa North Cotabato nitong Huwebes ng gabi.

Batay sa report ng North Cotabato Police Provincial Office (NCPPO), dakong 8:05 ng gabi nang dukutin ng mga hinihinala­ng rebelde si Insp. Menardo Cui, Sr. habang nasa loob ng HMB KTV Bar and Lodging House sa hangganan ng mga barangay ng Tuael at Poblacion sa President Roxas.

Sinabi ni Chief Insp. Andres Sumugat, hepe ng President Roxas Municipal Police, na off duty si Cui nang mga oras na iyon.

Ayon kay Supt. Bernard Tayong, tagapagsal­ita ng NCPPO, nakikipag-inuman ang pulis sa kanyang mga kaibigan sa lugar nang biglang dumating ang mga hindi nakilalang armadong lalaki at sapilitang tinangay si Cui sa motorsiklo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines