Balita

24 patay sa sunog sa US, India

-

NEW YORK (Reuters) – Labindalaw­ang katao ang namatay, kabilang ang isang bata, at apat na iba pa ang malubha nang lamunin ng apoy ang ilang palapag ng isang apartment building sa Bronx borough ng New York City, sinabi ni Mayor Bill de Blasio.

Nagsimula ang apoy sa unang palapag ng brick building at mabilis na umakyat, lahad ni NYC Fire Commission­er Daniel Nigro sa news conference kasama ang alkalde. Iniimbesti­gahan pa ang sanhi ng sunog.

“People died on various floors of the apartment, ranging in age from 1 to over 50,” ani Nigro sa mga mamamahaya­g. “In a department that is surely no stranger to tragedy, we’re shocked by the lives lost.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines