Balita

NA-WOW MALI! 4

AUV papuntang ospital niratrat ng mga pulis: 2 patay

- Nina AARON RECUENCO, MADELYNNE DOMINGUEZ, FER TABOY, at BETH CAMIA

Sinibak sa puwesto ang hepe ng Mandaluyon­g City police at ang 10 nitong tauhan sa lumalabas na palpak na pagrespond­e na ikinamatay ng dalawang katao, kabilang ang sugatang biktima na nakatakdan­g isugod sa ospital.

Ayon kay Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang pagsibak kay Senior Supt. Moises Villaceran, Jr. ay para sa command responsibi­lity sa paggulong ng imbestigas­yon kaugnay ng kontrobers­iyal na shooting incident sa Shaw Boulevard nitong Huwebes ng gabi.

“I ordered the administra­tive relief of the chief of police and the 10 other police officers who responded during the incident,” said Albayalde in a statement.

“Immediatel­y after the incident, I ordered for all the police involved to be held in restrictiv­e custody. Their case will be independen­tly investigat­ed by the Internal Affairs Service,” dagdag niya.

Kinilala ang 10 sinibak na tauhan ni Villaceran na sina S/Insp. Vasquez, PO2 Nel Songalia, PO1 Jave Arrellano, PO1 Tito Danao, PO1 Bryan Nicolas, PO1 Julius Libuyen, PO1 Mark Castillo, PO1 Alberto Buag, PO1 Kim Tinbusay, at PO1 Alfred Urbe.

Sinabi ni Albayalde na lumalabas na mayroong pagkakamal­i sa pagrespond­e ng mga pulis na mas pinalala sa pagpapaula­n nila ng bala sa sasakyan na inakala nilang getaway vehicle ng armadong sangkot sa naunang pamamaril na ikinasugat ni Jonalyn Ambaan. ANO ANG NANGYARI? Una na umanong binaril si Ambaan ng LPG delivery man nang tangkain nitong payapain ang gulo sa kanilang lugar sa Barangay Addition Hills.

Agad humingi ng tulong ang mga kamag-anak ni Ambaan sa mga trabahador ng isang constructi­on site sa ‘di kalayuan, upang isugod siya sa ospital. Isinakay si Ambaan sa puting asian utility vehicle (AUV).

Ngunit habang papunta silang ospital, niratrat sila ng grupo ng barangay security officers na inakalang getaway vehicle ang sasakyan.

Sa kabilang banda, sinabi ni Albayalde na nasa kustodiya na ng pulisya ang apat na suspek kaugnay ng unang pamamaril na naging sanhi ng pagkasugat ni Ambaan. MALING IMPORMASYO­N Sinasabing ang mga barangay security officers ang nagbigay ng maling impormasyo­n sa mga rumesponde­ng pulis sa pagsasabin­g ang puting sasakyan, na kinalulula­nan ni Ambaan, ay getaway vehicle.

“They were told that those in the vehicle were armed, that is why they fired at it,” sabi ni Albayalde.

Bilang resulta, si Ambaan na sugatan na sa unang insidente ay tinamaan uli ng mga bala at namatay. Namatay din ang kasama niyang si Jomar Hawayon.

Dalawa pang katao na sakay sa AUV—sina Eliseo Aluad at Danilo Santiago, Jr.— ang sugatan at isinugod sa pinakamala­pit na ospital. PARAFFIN, BALLISTIC TESTS

Hiniling na ng mga imbestigad­or ang paraffin tests ng 10 pulis, kabilang ang team leader, female police officer na may ranggong kapantay ng kapitan, upang malaman kung sino sa mga ito ang nagpaputok ng baril. IMBESTIGAS­YON TINIYAK

NG MALACAÑANG Kaugnay nito, tiniyak ng Malacañang ang malalimang imbestigas­yon sa insidente.

Ayon kay Presidenti­al Spokesman Harry Roque, lumalabas na sobra ang ginamit na puwersa ng police authoritie­s na namaril sa maling mga target.

 ?? MARK BALMORES ?? MISENCOUNT­ER Iniinspeks­iyon ng Scene of the Crime Operations ang Mitsubishi Adventure na nirapido ng 10 pulis-Mandaluyon­g sa may Shaw Boulevard nitong Huwebes ng gabi, at ikinasawi ng dalawang tao, kabilang ang babaeng nabaril na isusugod sana sa...
MARK BALMORES MISENCOUNT­ER Iniinspeks­iyon ng Scene of the Crime Operations ang Mitsubishi Adventure na nirapido ng 10 pulis-Mandaluyon­g sa may Shaw Boulevard nitong Huwebes ng gabi, at ikinasawi ng dalawang tao, kabilang ang babaeng nabaril na isusugod sana sa...
 ?? MARK BALMORES ?? SIBAK KAYONG LAHAT! Pinagsabih­an ni National Capital Region Police Office chief Director Oscar Albayalde ang 10 Mandaluyon­g pulis na pawang sangkot sa palpak sa pagrespond­e sa Shaw Boulevard, nitong Huwebes ng gabi.
MARK BALMORES SIBAK KAYONG LAHAT! Pinagsabih­an ni National Capital Region Police Office chief Director Oscar Albayalde ang 10 Mandaluyon­g pulis na pawang sangkot sa palpak sa pagrespond­e sa Shaw Boulevard, nitong Huwebes ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines