Balita

Trabaho sa empleyado ng NCCC Mall at SSI tiniyak

- Mina Navarro

Sunod-sunod ang isinagawan­g pagkikipag­pulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa management ng NCCC Mall at SSI upang matiyak na walang manggagawa na apektado ng sunog ang mawawalan ng trabaho.

Kasabay nito, iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maglabas ng P30 milyon sa mga ahensiya upang mabigyan ng tulong ang lahat ng nawalan ng tirahan, na nasa mahigit 2,000 apektadong manggagawa.

Inatasan din na magbigay ng tulong ang Bureau of Working Conditions (BWC), Occupation­al Safety and Health Center (OSHC) at ang Employees’ Compensati­on Commission (ECC).

Nangako ang NCCC sa DOLE na hindi mawawalan ng trabaho ang 616 na regular na manggagawa at patuloy na makatatang­gap ng kanilang sahod dahil itatalaga ang mga ito sa iba nilang negosyo.

Para sa 192 manggagawa na galing agency sa ilalim ng Bmirck Cooperativ­e, sinabi ng NCCC na patuloy ang pag-uusap para mailipat ang mga ito sa ibang establisim­yento /malls sa lungsod.

Nangako naman ang SSI na babayaran ang suweldo ng lahat ng kanilang mga empleyado hanggang Disyembre 31, 2017. Idinagdag ng SSI na muli silang magtatayo sa loob ng 60 araw dahil nakakita na sila ng isa pang gusali para sa kanilang mga operasyon at tiniyak ang trabaho ng kanilang mga manggagawa sa pagpapatul­oy ng kanilang operasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines