Balita

Sunog sa Mumbai, 12 patay

-

MUMBAI (Reuters) – Patay ang 12 katao at tatlong iba pa ang malubha sa sunog nitong hatinggabi sa isang multistory building sa Mumbai, ang financial capital ng India, sinabi ng mga awtoridad kahapon.

Karamihan ng mga nasawi ay mga babae na dumadalo sa isang birthday party sa rooftop restaurant, sinabi ng pulisya. Kabilang sa mga namatay ang 28-anyos na babae na nagdiriwan­g ng kaarawan.

Nakatangga­p ang fire department ng tawag tungkol sa sunog sa isang commercial building sa Kamala Mills compound sa Central Mumbai dakong 0030 nitong Biyernes, sinabi ng isang opisyal.

Nagsimula ang sunog sa pinakamata­as na palapag at nilamon ang gusali sa loob lamang ng halos 30 minuto. Kasamang nasunog ang mga opisina ng ilang media outlets, kabilang ang Bennett Coleman and Co’s Times Now at ET Now.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines