Balita

Apple nag-sorry

-

CALIFORNIA (Reuters) – Nahaharap sa mga reklamo at galit ng consumer matapos sabihin na sinadya nitong pabagalin ang mga lumang iPhones na may humihinang baterya, ibinaba ng Apple Inc ang presyo para sa battery replacemen­ts at babaguhin ang kanyang software upang ipakita sa users kung maayos ang battery ng kanilang phone.

Sa posting sa kanyang website nitong Huwebes, humingi ng paumanhin ang Apple sa pamamahala nito sa battery issue at sinabing magsasagaw­a ito ng mga pagbabago para sa customers “to recognize their loyalty and to regain the trust of anyone who may have doubted Apple’s intentions.”

Sinabi ng kumpanya na ibaba nito ang presyo ng out-of-warranty battery replacemen­t mula $79 to $29 para sa iPhone 6 o mga kasunod nito, simula sa susunod na buwan.

Ia-update rin ng kumpanya ang iOS operating system nito upang makita ng users kung mahina na ang kanilang battery at nakakaapek­to sa performanc­e ng smartphone.

“We know that some of you feel Apple has let you down,” saad sa post ng Apple. “We apologize.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines