Balita

Granada sa Manaoag resort

- Liezle Basa Iñigo

MANAOAG, Pangasinan – Naalarma ang mga nagsisimba sa pagkakadis­kubre ng isang granada sa Manaoag Holy Water Resort and Restaurant sa Barangay Licsi sa Manaoag, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, dakong 6:15 ng umaga nitong Miyerkules nang matagpuan ni Carlo Cabradilla, 28, ng Bgy. San Vicente, San Fernando, La Union, ang granada sa lugar at kaagad namang rumesponde ang mga awtoridad.

Iniimbesti­gahan pa ng mga awtoridad ang tungkol sa natagpuang granada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines