3 sugatan sa banggaan
VICTORIA, Tarlac – Tatlong katao ang nasugatan sa pagsasalpukan ng tricycle at motorsiklo sa Victoria-Tarlac Road.
Kinilala ni PO1 Dennis Millo ang mga biktimang sina Jaypee Gragasin, 21, driver ng Yamaha Mio Sporty motorcycle; at Maria Antonette Virrey, 18, kapwa residente ng Barangay Poblacion III, Gerona, Tarlac.
Sa panig ng Honda TMX motorized tricycle (RO-8321), nasugatan din ang driver na si Dante Limco, 47, ng Bgy. Bulo, Victoria, Tarlac.
Dakong 4:10 ng hapon nitong Pasko at nagmomotorsiklo si Gragasin patungo sa Tarlac City nang nabangga sa likuran ng tricycle ni Limco.