Balita

Dingdong at Marian, sa Siargao ang celebratio­n ng 3rd anniversar­y

- --Nora Calderon

DECEMBER 30, 2014 ang mala-royal wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Cathedral of Immaculate Conception sa New York, Cubao, Quezon City. November 23, 2015, isinilang ni Marian ang unica hija nilang si Letizia Gracia Dantes. Kaya lalong sumaya ang buhay ng magasawa dahil lumalaking very sweet at madaldal si Zia. Hindi umaalis ang mag-asawa, here and abroad, na hindi nila kasama si Zia.

Kaya nga after Christmas, December 26, sama-sama muli silang maganak, kasama ang family ni Dingdong at family ni Marian, papuntang Siargao at tiyak na doon na magdiriwan­g ng magasawa ng kanilang third anniversar­y. Biro nga sa kanila, doon na ba susundan si Baby Zia?

Bago umalis ang mag-asawa, nag-live video muna sina Dingdong at Marian para sa kanilang fans at mga kaibigan, at free silang magtanong sa mag-asawa. Isa nga sa tanong sa kanila ay kung paano nila napananati­ling maayos ang pagsasama nila kahit pareho silang busy sa kani-kaniyang work ngayon, si Dingdong, sa shooting ng movie with

Anne Curtis for Viva Films at si Marian, sa taping ng Super Ma’am.

“Hindi namin kinalilimu­tang gawin pa rin ni Marian ang mga nakagawian na namin tulad ng humahanap kami ng oras na magkasama kami lamang dalawa,” sagot ni Dingdong. “Hindi naman dahil busy na kayo pareho, wala na kayong time para sa isa’t isa. Importante ‘ yon sa pagsasama ng magasawa.

Ano naman ang wish ni Marian para kay Baby Zia?

“Gusto namin ni Dong, lumaki siyang mabait at masayahin,” sagot ni Marian. “Siya ‘ yong batang hindi lumaking iyakin, lagi siyang masaya at mapagmahal sa lahat ng tao, kahit hindi niya kilala, nginingiti­an niya. Kaya nga hindi ko matagalan na hindi ko siya kasama.”

Cute nga ang caption ni Dingdong sa picture nilang magkakasam­a na, “Three years of celebratin­g Christmas with the baby on my right and about a decade with this other baby on my left. (Seven years munang naging magkasinta­han sina Dingdong at Marian bago nagpakasal). Baby Zia, Marian at Dingdong

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines