Balita

Kontrobers­iyal at maaksiyong 2017 para sa ‘Pinas

- Nina Dianara T. Alegre at Ellaine Dorothy S. Cal

Makalipas ang isang taon at anim na buwang panunungku­lan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa, halos buwanbuwan ay may bagong umeeksenan­g pangyayari sa Pilipinas.

Naririto ang ilan sa pinakamala­laking kaganapan nitong 2017, na sumubok at higit pang nagpatibay ng loob ni ‘Juan’.

Sa pagpasok ng 2017, maagang tagumpay ang sumalubong sa bansa makaraang mapatay si Mohammad Jaafar Maguid, ang lider ng Ansar Al-Khilafah Philippine­s na kaalyado ng Islamic State, sa Saranggani noong Enero 5.

Makalipas ang ilang araw, bumulaga ng buwan ding iyon ang pagkakabun­yag sa pagdukot sa Korean businessma­n na si Jee Ick-joo sa Angeles City, Pampanga at pagpatay dito sa loob mismo ng Camp Crame sa Quezon City. Ang mga suspek, mga pulis na nagsamanta­la umano sa drug war ng pulisya.

Makalipas ang mahigit isang buwan, Pebrero 20, naging mainit ang isyu tungkol sa educationa­l field trip makaraang bumangga sa poste ng kuryente ang tourist bus ng mga estudyante na patungong camping site sa Tanay, Rizal, at 15 ang nasawi.

Hindi naman nagpahuli sa kontrobers­iya ang Senado sa pagkakaare­sto kay Senador Leila de Lima noong Pebrero 24, kaugnay ng umano’y pagkakasan­gkot sa bentahan ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).

Naging makasaysay­an naman ang 30th Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Philippine Internatio­nal Convention Center, sa Pasay City noong Abril 26-Abril 29. Bilang host country, idinaos din sa bansa ang 50th Golden Anniversar­y Celebratio­n ng ASEAN noong Agosto 8, na sinundan ng 31st ASEAN Summit noong Nobyembre 13-Nobyembre 15. Pagsapit ng Mayo 17, napawalang-sala ang umano’y “pork barrel” scam queen na si Janet LimNapoles sa kasong illegal detention, na isinampa ng whistleblo­wer na si Benhur Luy.

At ang pinakamala­king istorya ng 2017 ay nangyari noong Mayo 23 nang sinalakay ng Maute-ISIS ang Marawi City, Lanao del Sur, na sinundan ng pagdedekla­ra ni Pangulong Duterte ng 60-araw na batas militar sa Mindanao.

Naharap din sa pagsubok ang Bureau of Customs (BoC), makaraang mabuking nitong Mayo 26 ang nakapuslit na P6.4milyon shabu mula sa China, nang masamsam ang nasabing kontraband­o sa isang bodega sa Valenzuela City. Kasunod ng pagkakabun­yag ng kurapsiyon sa BoC, nagbitiw sa puwesto si Nicanor Faeldon bilang BoC commission­er, kasama ang iba pang opisyal ng kawanihan. Nasindak naman si Juan sa pamamaril at panununog ng nag-iisang armado sa Resorts World Manila sa Pasay, na ikinasawi ng 38 katao noong Hunyo 2.

Hindi naman nakaligtas sa drug raid si Ozamiz City, Misamis Occidental Mayor Reynaldo Parojinog, Sr., ang kanyang asawa, at 14 na iba pa nang masawi sila sa anti-drug operation sa kanilang compound noong Hulyo 30.

Higit pang naging kontrobers­iyal ang drug war nang sumabog ang galit ng publiko sa pagkakapas­lang ng mga pulis-Caloocan sa mga teenager na sina Kian Loyd delos Santos noong Agosto 16; Carl Angelo Arnaiz noong Agosto 18; at Reynaldo “Kulot” de Guzman na natagpuang nakalutang sa sapa sa Nueva Ecija noong Setyembre 5.

Isa rin sa mga pinag-usapan sa buong bansa ang pagkamatay ng hazing victim na si Honoracio “Atio” Castillo, UST law student at miyembro ng Aegis Juris fraternity, noong Setyembre 17.

Maituturin­g namang tagumpay ang pagkakapas­lang sa Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon at sa lider ng Maute-ISIS na si Omar Maute sa Marawi noong Oktubre

16. Kinabukasa­n, idineklara ng Pangulo ang paglaya ng siyudad sa kamay ng mga rebelde hanggang sa iproklama ang pagtatapos ng limang-buwang digmaan sa lungsod noong Oktubre 23.

At bago matapos ang taon, magkakasun­od pang trahedya ang sumubok sa mga Pinoy sa pagbayo ng bagyong ‘Urduja’ sa Bicol at Eastern Visayas nitong Disyembre 19, na ikinasawi ng 54 na katao; at ‘Vinta’ na pumatay naman ng 240 sa Mindanao at Visayas nitong Disyembre 22. Dalawang araw bago ang Pasko, Disyembre 23, nang masunog ang NCCC Mall sa Davao City, at 38 ang nasawi sa insidente.

 ?? MARK BALMORES ?? MILITAR VS MAUTE Ilan lamang ito sa mga maaaksiyon­g eksena sa gitna ng limang-buwang bakbakan ng puwersa ng gobyerno at ng Maute-ISIS saMarawi City.
MARK BALMORES MILITAR VS MAUTE Ilan lamang ito sa mga maaaksiyon­g eksena sa gitna ng limang-buwang bakbakan ng puwersa ng gobyerno at ng Maute-ISIS saMarawi City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines