Balita

Paalala: Sumunod sa firecracke­rs zone

- Orly L. Barcala at Bella Gamotea

Hiniling kahapon ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa mga residente siyudad na sundin ang mga firecracke­r zone, o mga lugar lang na maaaring magpaputok sa pagsalubon­g sa Bagong Taon, upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

“Nais kong ipaalala sa lahat na sundin ang mga batas at alituntuni­n sa paggamit ng mga paputok at pailaw. Magtulunga­n tayo sa pangangala­ga sa mga miyembro ng ating komunidad at siguruhin natin na ang bawat pamilyang Navoteño ay sasalubaon­g sa Bagong Taon nang buo at masaya,” sabi ni Tiangco.

Ang paalala ay kasunod ng pamimigay ng tig-P2,000 aguinaldo sa mahigit 600 pamilyang nasunugan sa Market 3, sa Navotas Fish Port, at sa Barangays Sipac Almazen at Bagumbayan South noong Enero 2017.

Sinabi ng alkalde na mas maiiwasan ang mga kahalintul­ad na sunog kung mas mag-iingat ang publiko, at kabilang na rito ang maingat na paggamit ng paputok o pailaw sa mga itinalagan­g firecracke­r zone. Sa bisa ng Executive Order 012 series of 2015, itinalaga ng pamahalaan­g lungsod bilang firecracke­rs at fireworks zones ang Navotas City Amphitheat­re, C4 Road, Bgy. Bagumbayan North.

Samantala,saParañaqu­eCity,mahigpit nang ipinagbaba­wal ang paggamit ng paputok sa mga pampubliko­ng lugar. Ipinaalala kahapon ni Public Informatio­n Office chief Mar Jimenez sa publiko na sa ilalim ng dalawang ordinansa at memorandum ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, mayroong 15 paputok na ipinagbaba­wal sa pagsalubon­g ng Bagong Taon. Kabilang sa listahan ang Piccolo, Super Lolo, Whistle Bomb, Goodbye Earth, Atomic Big Triangulo, Kwitis, Goodbye Philippine­s, Binladen, Yolanda, Judas’ Belt, Bawang, Pla-pla, Watusi, at Sawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines