Balita

Martial Law extension, SC lang ang makahahara­ng

- Ben R. Rosario

Tanging ang Supreme Court ang makakapigi­l sa pagpapatup­ad sa ikalawang pagpapalaw­ig sa martial law at suspension ng writ of habeas corpus sa Mindanao simula bukas hanggang sa buong 2018.

Kumpiyansa naman si Rep. Edcel Lagman (LP, Albay) ng oposisyon na makikita ng Mataas na Korte ang punto ng kanilang petisyon na humihiling na harangin ang isang taong extension dahil ito ay labag sa Konstitusy­on.

Nanawagan si Lagman sa SC dahil sa katotohana­ng ang martial law at ang suspension of the writ of habeas corpus ay aabot na sa kabuuang 526 araw o 876.67 mahigit kaysa initial period na 60 araw lamang, alinsunsod sa Proclamati­on No. 216 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo.

Inaprubaha­n ng Kongreso, sa joint session, ang kahilingan ni Duterte para sa isang taong pagpapalaw­ig na binatikos ni Lagman at ng pito pang miyembro ng “Magnificen­t Seven” minority group bilang unconstitu­tional.

“Five hundred twenty-six (526) days total extension is an enormous increase of 876.67% over the original period of 60 days. This is inordinate­ly long. It is a deplorable defiance of the constituti­onal limitation of the duration of martial law and its extension,” ani Lagman.

Ipinunto niya na nililimita­han ng 1987 Constituti­on ang effective period ng martial law at suspension of the writ of habeas corpus bilang isa sa mga istriktong safeguard para maiwasan ang mga pang-aabuso bunga ng batas militar.

Ikinatwira­n ni Lagman na para maging balido ang pagpapalaw­ig dapat na ito ay nakabatay sa limitadong batayan ng aktuwal na rebelyon o pananakop at kailangan para sa kaligtasan ng publiko at para sa katanggap-tanggap na haba ng panahon lamang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines