Balita

Nangikil ng R50k sa tropa laglag

- Alexandria Dennise San Juan

Inaresto kamakalawa ang isang lalaki matapos umanong mangikil ng P50,000 cash sa kanyang kaibigan at tinakot na ipagkakala­t ang sekreto at pagiging kalaguyo ng huli kapag hindi nito ibinigay ang pera.

Kinilala ni Police Officer 3 Rhic Pittong, imbestigad­or ng Quezon City Police District, ang suspek na si Jeric Pardo, 41, residente ng Antipolo City.

Ang complainan­t, na tumangging pangalanan, ay 44-anyos na project manager sa isang engineerin­g firm sa Quezon City.

Lumalabas na si Pardo ay dating namamasuka­ng driver sa nasabing engineerin­g company at na-assign sa complainan­t bago na-terminate nitong Marso.

Ayon sa biktima, tinawagan siya ni Pardo nitong Disyembre 20, bandang 1:08 ng hapon habang siya ay nasa opisina, humihingi ng P50,000 cash upang hindi isiwalat ang kanyang mga sekreto.

Dalawang araw matapos matanggap ang tawag, nagpadala ang complainan­t ng inisyal na P10,000 cash kay Pardo sa pamamagita­n ng remittance center.

Nagkasundo ang dalawa na ang remaining balance na P40,000 ay ibibigay sa Biyernes, Enero 29.

Agad nagsampa ng kaso ang biktima laban kay Pardo at humingi ng tulong sa QCPD-Criminal Investigat­ion and Detection Unit (CIDU).

Nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng QCPDCIDU laban kay Pardo sa tapat ng St. Bridget School sa Aurora Boulevard corner Katipunan Avenue bandang 2:45 ng hapon nitong Biyernes.

Isang police officer, na nagpanggap na tauhan ng biktima, ang nag-abot ng P10,000 marked money kay Pardo. Sa pagtanggap niya ng pera, dinamba ng mga pulis si Pardo.

Nahaharap ang suspek sa kasong robbery extortion na may piyansang P100,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines