Balita

Takas na Korean timbog

- Gabriel Agcaoili

Muling inaresto ang isang Korean, na nakuhanan ng P100,000 halaga ng umano’y shabu kasama ang isang kasabwat na Pinoy nitong Disyembre 26 sa Quezon City, nitong Biyernes ng umaga sa kapareho ring kaso matapos umano nitong takasan ang awtoridad.

Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Director Guillermo Eleazar sa Balita na tinakasan ni Jeon Sang, 45, ang kanyang police escorts nitong Disyembre 27 habang isinasagaw­a ang physical examinatio­n sa Quezon City General Hospital, isang araw matapos siyang arestuhin.

Tumakas din ang kasabwat ni Jeon, si Bobby Ortalla, 45, ngunit agad ding naaresto ng awtoridad sa Barangay Old Balara sa manhunt operation, ayon kay Eleazar.

Sinabi ng QCPD Director na agad nagsagawa ng malawakang manhunt operation, sa pakikipagt­ulungan sa Bureau of Immigratio­n and Deportatio­n at sa Criminal Investigat­ion and Detection Group sa Camp Crame, ang headquarte­rs ng Philippine National Police, laban kay Jeon.

Base sa imbestigas­yon, isang babaeng operatiba ang inalok ni Sang ng drug session kapalit ng pakikipagt­alik. Agad ini-report ng agent ang alok ng dayuhan, at isinagawa ng awtoridad ang operasyon laban sa suspek.

Pumayag ang babaeng agent na makipagkit­a sa Korean sa overpass sa panulukan ng Commonweal­th Avenue at Don Antonio Drive sa Barangay Holy Spirit, malapit sa lugar kung saan siya unang inaresto.

Sa pagsulpot ni Sang sa overpass bandang 11:30 ng umaga, agad siyang dinampot ng awtoridad, ayon kay Eleazar.

Nakuha mula kay Jeon ang tatlong pakete ng hinihinala­ng shabu na tinatayang nagkakahal­aga ng P60,000; tatlong disposable syringes na naglalaman ng hinihinala­ng liquefied shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines