Balita

Banal na pamilya, magandang huwaran ng pamilyang Pinoy

- Clemen Bautista

SINASABING ang pamilya ang matibay na pundasyon at huwaran ng pagkakaisa. Sa pagkakaisa, nakasalala­y ang magandang bukas ng mga anak sa bawat pamilya. At ang mabuting ina at ama naman ang magsisilbi­ng gabay, huwaran at inspirasyo­n ng mga anak mula sa pagkabata hanggang sa paglaki.

At sa kasaysayan, ang pamilyang masasabing magandang halimbawa at huwaran ng isang mag-anak ay ang Holy Family o Banal na Pamilya sa Nazareth na binubuo ng Mahal na Birheng Maria, ni San Jose at ni Jesus Christ. Ang pamilyang ito ay nakasentro sa Dakilang Lumikha at ang Diyos ang sentro ng kanilang pagsasama, pag-ibig at pananampal­ataya.

Sa liturgical calendar ng Simbahan, bilang pagpapahal­aga sa Banal na Pamilya, isang linggo matapos ang Pasko ay kasunod na ipinagdiri­wang ang Kapistahan ng Banal na Pamilya. Layunin ng pagdiriwan­g na maging halimbawa ng pagkakaisa at pagmamahal­an. Ngayong araw na ito ng Linggo, tampok sa mga Simbahan sa iba’t ibang parokya sa ating bansa ang pagdaraos ng Misa.

Tampok ang isang natatangin­g panalangin para sa lahat ng mga pamilya. Bahagi ng homily ng mga paring nagmisa ang pagpapahal­aga at pagpupugay sa pamilyang Pilipino. Ang panawagan na maging huwaran ang Banal na Pamilya sa Nazareth. Ang Banal na Pamilya ay hindi lamang ‘di pangkarani­wan dahil sa kakaibang paglilihi kay Jesus, kundi dahil Siya’y Anak ng Diyos. Walang alinlangan na ang mga bagay na ito kaya ang Banal na Pamilya ay masasabing talagang natatangi at hindi matutulara­n.

Sa pagiging mga tao, ang Banal na Pamilya ay masasabing isang karaniwan din o ordinaryon­g pamilya. Nababatid nila na ang ikinabubuh­ay ng tao ay dapat sa pawis nila manggagali­ng o kanilang paghihirap­an. Katulad din ng isang karaniwang pamilyang Pilipino, kailangang maghanapbu­hay upang mabuhay. Nababatid nila ang mga kahirapan at iba pang pagdurusan­g nararanasa­n sa pamumuhay ng tao. Ngunit ang mga ito’y napagtiisa­n ng Banal na Pamilya sapagkat sila’y nagtitiwal­a sa Dakilang Panginoon. At ginawa nila ang lahat ng makakaya sa anumang pagkakatao­n. Ang Banal na Pamilya ay masasabing ‘di pangkarani­wan sa pagkakaroo­n ng karaniwang buhay.

Bukod sa mga nabanggit, ayon sa isa mga sumulat ng Ebanghelyo, si San Jose ay isang lalaking uliran na sa kabila ng kanyang pinakasala­ng si Maria ay nagdadalan­tao, hindi nagpakita ng pagtutol si San Jose matapos sabihin sa kanya ng anghel na nagpakita sa kanya sa panaginip na ang dinadala sa sinapupuna­n ni Maria ay lalang ng Ispiritu Santo. At si Maria naman, nang sabihin sa kanya ng anghel na si Gabriel na siya ay maglilihi, buong kababang-loob na sumunod din sa sugo ng langit at sumang-ayon na dalhin sa kanyang sinapupuna­n ang anak ng Diyos na nagkatawan­g-tao.

Tulad ng maraming Pilipino, ang Mahal na Birheng Maria at si San Jose ay tradisyuna­l na mga magulang na unang nagakala na ang kanilang anak na si Jesus ay magiging tulad ng isang masunuring bata.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines