Balita

MABUTING BALITA

-

Gen 15:1-6; 21:1-3 ● Slm 105 ● Heb 11:8, 11-12, 17-19 ● Lc 2:22-40 [o 2:22, 39-40]

Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala nina Jose at Maria ang sanggol na si Jesus sa Jerusalem para iharap sa Panginoon—tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: “Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon.” Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggi­t sa Batas ng Panginoon: “isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati.” Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangal­ang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon. Hinihintay niya ang pagpapagin­hawa ng Panginoon sa Israel at sumasakany­a ang Espiritu Santo. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Jesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya. Kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos, at sinabi:

“Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kapayapaan ayon na rin sa iyong wika; pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligta­s na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa, ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.”

‘Tulong sa lahat ng pamilya sa buong daigdig’

Itinalagan­g kapistahan ng Banal na Mag-anak ni Jesus, Maria, at Jose ang araw ng Linggo sa Oktaba ng Kapaskuhan. Pinaiigtin­g ng pagdiriwan­g na ito ang ating pagninilay sa misteryo ng Pagkakataw­ang-tao. Nakatutok tayo sa Anak ng Diyos, na naging bahagi ng pamilya ng sangkatauh­an sa kanyang pagiging tao at pakikipana­han sa atin. Sa pamamagita­n naman ni Jesus, ating kapatid, naging kapamilya din tayo ng Diyos (Gal 4:6). Ano ba ang itinuturo sa atin ng pagbasa sa ebanghelyo sa pagdiriwan­g ng araw na ito? Kung ipinakita ang Banal na Mag-anak na lumilikas upang matakasan ang masamang balak ni Haring Herodes sa salaysay ni Mateo, kaiba naman ang naging takbo ng kuwento ni Lucas—ang mapayapang pagdadala sa sanggol na si Jesus sa Templo upang iharap sa Diyos ayon sa kaugalian ng mga Judio.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines