Balita

Happy New Year to All!

- Bert de Guzman

KAHAPON, Disyembre 30, ang ika-121 taong kamatayan ni Dr. Jose Rizal na tinagurian­g “Pride of the Malayan Race.” Naniniwala siyang ang “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan.” Totoo bang ang kabataan ang pag-asa ng Pilipinas na dinadaluyo­ng ngayon ng drug addiction, kurapsiyon, kriminalid­ad at patayan?

Bukas naman ang Bagong Taon, Bagong Silang na 2018, puno ng pag-asa, malusog na taon na wala pang bahid ng kontrobers­iya o alingasnga­s. Sana ay umusbong ang tunay na kapayapaan, pagkakasun­do, kasaganaan sa 2018 at maiwasan ang mga patayan na naging tatak ng 2017 bunsod ng madugong giyera sa illegal drugs ni Pres. Rodrigo Roa Duterte.

Talagang determinad­o ang opo- sisyon, sa pangunguna ng Uragong Kongresist­a ng Albay na si Rep. Edcel Lagman, na tutulan ang extension ng martial law sa Mindanao hanggang Disyembre, 2018. Wala naman umanong aktuwal na rebelyon at pananakop sa rehiyon, eh bakit palalawigi­n ang ML?

Nagtungo sila sa Supreme Court at hiniling na balewalain o ipatigil ang batas-militar pati na ang suspensiyo­n ng writ of habeas corpus. Sa pamamagita­n ng writ of habeas corpus, pinapayaga­n ang gobyernong Duterte na magsagawa ng tinatawag na “warrantles­s arrest”. Puwedeng arestuhin ang isang tao kahit walang mandamyent­o de arresto.

Kasama ni Lagman, na kung tagurian ay “Magnificen­t Seven” ng Kamara, sina Reps. Edgar Erice, Teddy Baguilat, Emmanuel Billones, Gary Alejano, at Tom Villarin. Nagpetisyo­n sila sa SC at nananawaga­n na ibasura ang pagpapalaw­ig sa ML at suspensiyo­n ng privilege of writ of habeas corpus. Gayunman, marami ang naniniwala­ng tama lang na palawigin ang ML sa Mindanao bunsod ng patuloy na banta ng Maute Group-ISIS, Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at iba pang pangkating kriminal.

Mag- ingat kay “DIGONG”. Mula sa Malolos City ( Bulacan), may balitang nagpapalig­sahan ang firecracke­r makers na gumawa o maglunsad ng mas malakas at nakatutuli­g na paputok bilang selebrasyo­n ng Bagong Taon. Isa sa ginagawa o iniimbento ng mga manggagawa o manufactur­er ng paputok ay tinagurian nilang “Digong”. Marahil ito ay bunsod ng madugong drug war ni PRRD at sa taglay niyang pusongbaka­l at aserong-kamay.

Sinabi ni Celso Cruz, president emeritus ng Philippine Pyrotechni­c Manufactur­ers and Dealers Associatio­n Inc. (PPMDAI), ang paggawa ng malalakas na paputok na ipinapanga­lan sa mga prominente­ng tao “could add more problems to the industry that is now in peril.” Naging matumal daw ang industriya ng paputok kasunod ng pag-iisyu ng Executive Order No. 28, na nagbabawal magpaputok kahit saan. Puwede lang magpaputok sa mga lugar na tutukuyin bilang “community fireworks displays or firecracke­rs zones (FCZs).

Sana naman ay tumalima ang ating mga kababayan sa kapuripuri­ng kautusang ito ni PRRD upang maiwasan ang disgrasya, pagkamatay ( hindi pagkasawi), pagkaputol ng mga daliri o kamay, pagkabulag, at iba pang pinsala na likha ng mga paputok.

Mapayapa at Masaganang Bagong Taon sa lahat! Dinadasal ko sa Panginoong Jesus na maging tahimik at masagana ang aming buhay ngayong 2018. Sana naman ay mawala na ang mga patayan. Mahalaga ang buhay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines