Balita

KimXi at BeaRald, nakapagbak­asyon grande na

- Ni REGGEE BONOAN

SAKTONG tapos na ang taping ng seryeng Ikaw

Lang ang Iibigin kaya may kanya-kanyang ganap na ang mga pangunahin­g bida.

Nakapagbak­asyon grande na sa ibang bansa sina Gerald Anderson kasama ang lovey-dovey niyang si Bea Alonzo at gayundin si Kim Chiu kasama naman si Xian Lim.

Naiwan sa Pilipinas si Jake Cuenca dahil abala sa promo ng Ang Panday at iba pang personal appearance­s.

Si Michael de Mesa, trending pa rin sa umeereng FPJ’s Ang Probinsyan­o.

At magiging abala naman si Coleen Garcia naman ay magiging abala na sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib ni Billy Crawford ngayong Abril 2018.

Samantala, nangyayari kaya sa totoong buhay ang karakter na ginagampan­an ni Jake bilang si Carlos sa Ikaw Lang Ang Iibigin?

Sobrang sama kasi ng karakter ni Carlos na halos lahat ng kabiguan niya sa buhay sa kagagawan din naman niya ay ibinibinta­ng kay Gabriel (Gerald). Halos lahat ng kalokohan ay nagawa na niya pero nabubuking naman siya sa huli.

At dito napagkumpa­ra ng manonood na mas masama ang karakter ni Carlos kaysa sa ama niyang si Rigor (Daniel Fernando) dahil kahit na anong pigil nito na tantanan na sina Gabriel at Bianca (Kim) at manahimik na lang ay hindi nagpapigil ang una.

Siyempre ama si Rigor at gustong bumawi sa mga taon na hindi niya nakasama si Carlos, naging sunud-sunuran siya sa lahat ng iniuutos ng anak.

Tulad sa bagong plano na naman niya para sirain si Gabriel, inutusan ang amang ilagay sa kotse ng anak-anakan ang ninakaw na diyamanten­g pagaari ng isang sindikato.

Magugulo tuloy ang selebrasyo­n ng Kapaskuhan dahil susgod ang nasabing sindikato sa tahanan ni Gabriel na maglalagay sa peligro ang buhay ng pamilya.

Kaya paano malulusuta­n ni Gabriel ang kapahamaka­ng ginawa ni Carlos at hindi pa ba nakokonsen­siya ang asawa nitong si Isabel (Coleen Garcia)? Hanggang kailan siya mananahimi­k at magbubulag-bulagan sa ginagawa ng asawang pasaway.

Ano naman ang gagawin ni Roman (Michael de Mesa) para mailigtas ang tunay na anak? Mapapanood ang Ikaw Lang ang Iibigin sa ABSCBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

 ??  ??
 ??  ?? Xian at Kim
Xian at Kim
 ??  ?? Bea at Gerald
Bea at Gerald

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines