Balita

‘SUSUKO RIN AKO’

Tanod na sabit sa misencount­er, takot pang lumantad

- Nina JEL SANTOS at AARON RECUENCO

“Natatakot po ako, pero susuko rin ako. Magpapalam­ig muna po ako.”

Ito ang huling text message na ipinadala ni Gilbert Gulpo, isa sa mga barangay tanod ng Addition Hills na umano’y rumatrat sa isang puting van, na inakalang getaway vehicle, na naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang katao, kay barangay Chairman Kent Faminial.

Sa isang eksklusibo­ng panayam ni Faminial sa Balita, sinabi niya na nakipagusa­p siya kay Gulpo sa pamamagita­n ng text message nitong Biyernes. Gayunman, ito na ang huli nilang paguusap sapagkat hindi na matawagan ang numerong ginamit ng tanod. “He (Gulpo) texted me on Friday that he was afraid to come out, but said that he will soon surrender. He said that he is just letting things to cool down,” ani Faminial.

Si Gulpo, na kasalukuya­ng nagtatago, ay naglilingk­od sa Barangay Hall of Addition Hills ng mahigit 10 taon. Sinabi ng barangay chairman na iniwan ni Gulpo ang kanyang pamilya. Sa ngayon, pinili ng pamilya ng barangay tanod na hindi magsalita sa isyu at ipinagkati­wala ang kapalaran ni Gulpo sa imbestigas­yon ng awtoridad.

Ang ibang tanod na sinasabi ring nagpaputok ng baril ay kinilalang si Ernesto Fajardo. Siya ay nasa kustodiya na ng pulisya, ayon kay Faminial.

Ang ilang tanod na sangkot sa kaso ay sumailalim na sa ballistic test.

Sinabi ni Faminial na sinuspinde na niya ang lahat ng tanod na sangkot sa insidente.

Sinabi rin ni Faminial na blangko siya kung paano nagkaroon ng baril si Gulpo at ang mga kasamahan nito, sinabing tanging batuta at posas lamang ang ibinibigay ng kanilang barangay sa mga tanod. “I am not aware that they have guns. We only give our watchmen here handcuffs and wooden batons, but not guns,” ayon kay Faminial. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde, nasilayan ang mga tanod na binabaril ang puting Mistsubish­i van nang sundan nila ito sa Shaw Boulevard. Nitong Biyernes, sinabi niya na mayroong closecircu­it television (CCTV) footage na magpapatun­ay nito.

Kaugnay nito, nagsimula nang mag-imbestiga ang Internal Affairs Service (IAS) sa insidente.

Ayon kay IAS Inspector General Alfegar Triambulo, hinihintay nila ang resulta ng paraffin test ng lahat ng pulis na rumesponde at ballistic examinatio­n ng kani-kanilang baril upang malaman kung sino sa mga ito ang nagpaputok ng baril.

Aabot sa 40 basyo ng bala ang narekober sa pinangyari­han, patunay lamang na pinaulanan ng bala ang sasakyan.

Sampung pulis ang isinailali­m sa paraffin tests habang ang kanilang mga baril, kabilang ang dalawang M16 rifle, ang isinailali­m sa ballistics examinatio­ns.

“We are waiting for all the documents, including autopsy report results,” ani Triambulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines