Balita

Vice Ganda, naudlot ang sorpresa sa ina?

- --Reggee Bonoan

NATULOY kaya si Vice Ganda patungong Amerika para makapiling ang mother dear niya sa pagsalubon­g ng Bagong Taon?

Ang huling tweet kasi ang TV host ng, “Sorry I had to delete my last post. Di pa sure pala ‘ yung pagpunta ko. May conflict sa schedule.”

Pero may prior tweet siyang, “Success ang pa- surprise sa madir!!! What a joy to see my Nanay happy!!!

May tinext kaming taong malapit sa TV host pero hindi naman kami sinagot habang tinitipa namin ang balitang ito.

Ang alam namin ay umalis si Vice nitong Disyembre 28 patungong Los Angeles California USA na taun-taon naman niyang ginagawa para sorpresahi­n ang ina at makasama sa Bagong Taon.

Ayaw pa kasing manatili rito ang mommy ni Vice kahit ilang beses na niyang sinasabing dito na lang tumira at lagi raw katwiran ay ‘manghihina kapag walang ginagawa.’ If ever natuloy si Vice sa Amerika, kasabay kaya niyang babalik ng Pilipinas ang mommy niya para naman sabay silang panoorin ang patuloy na kumikitang Gandarrapi­ddo The Revenger Squad?

Samantala, nakakuha ng special awards ang pelikula ni Vice ng People’s Choice Award sa 2017 Metro Manila Film Festival Awards Night.

At kahit hindi nanalo ng major award sina Vice at co- actors niya, nananatili­ng pinipilaha­n sa takilya ang Gandarrapi­ddo The Revenger Squad sa lahat ng sinehan sa Metro Manila at sa karatig probinsya. Kaya naman curious na ang publiko kung magkano na ang kinikita ng pelikulang produced ng Star Cinema at Viva Films.

 ??  ??
 ??  ?? Vice
Vice

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines