Balita

Paputok delikado sa kalusugan at sa kalikasan

-

HINIKAYAT ni Environmen­t Secretary Roy A. Cimatu ang mga Pilipino na salubungin ang 2018 sa paggamit ng mga alternatib­ong pampaingay sa halip na mga paputok at mga kuwitis na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan at sa kapaligira­n.

Nagbabala si Cimatu na ang paggamit ng mga paputok ay maaaring makaapekto sa mga pagsisikap upang mabawasan ang polusyon sa hangin sa bansa, partikular sa Metro Manila na mataas ang antas ng polusyon sa hangin, kasunod ng pagdiriwan­g ng Bagong Taon.

“It is about time Filipinos eliminate the use of firecracke­rs as these do not only cause injuries and fires, but also air pollution, which have long-term effects on human health and the environmen­t,” paliwanag ni Cimatu.

Sa unang oras ng Enero 1, 2017, lahat ng air-quality monitoring station sa Metro Manila ay nagrehistr­o ng mataas na antas ng particulat­e matter (PM) 2.5, o particles na mas mababa sa 2.5 micrometer­s sa diameter.

Ang PM, na kilala bilang particle pollution, ay ang kumplikado­ng pagsasama-sama ng napakalili­it na particles at likido na nagpapalut­ang-lutang sa hangin. Sakaling malanghap, maaaring maapektuha­n ng particles na ito ang puso at baga ng tao, na magdudulot ng malalang problema sa kalusugan.

Ayon kay Cimatu, mayroong ibang paraan upang ipagdiwang ang Bagong Taon nang hindi gumagamit ng mga delikadong paputok.

Sa halip na gumamit ng mga paputok, hinimok ni Cimatu ang publiko na gumawa ng ingay sa pamamagita­n ng pito, rattles, busina ng sasakyan, kampana, at iba pang hindi nakakasaki­t na bagay, upang maingay na salubungin ang Bagong Taon.

Ipinaalala rin ng environmen­t chief sa publiko ang Executive Order (EO) No. 28 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Hunyo na nagbabawal sa paggamit ng paputok at mga kuwitis sa mga bahay o sa mga lugar na matao o malapit sa mga bahay.

Itinatakda ng EO 28 ang paggamit ng mga paputok at kuwitis sa mga “community fireworks display.”

Ayon sa EO, ang community fireworks display ay “conducted under the supervisio­n of a trained person duly licensed by the Philippine National Police.”

Nagbabala ang mga eksperto sa kalusugan na ang mga kemikal na inilalabas ng mga paputok ay nagdudulot ng seryosong panganib sa katawan. Ang mga delikadong particles na ito ay naglalakba­y sa baga na sanhi ng pag-ubo, hirap sa paghinga at maaaring maging sanhi ng sakit sa baga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines