Balita

KC at Nikki humirit pa ng engagement ngayong 2017

- Ni STEPHANIE MARIE BERNARDINO

WALANG dudang naging merry ang Christmas at naging happy ang New Year ng singer-actress na si Nikki Valdez at ng host-actor na si KC Montero, matapos silang sabay na ma-engage nitong Pasko.

Nag-post ang 38-anyos na si Nikki ng litrato sa Instagram ilang oras makaraan niyang tanggapin ang proposal ng soon-to-be-husband niyang si Luis

Garcia. Kasama nila ang ilang kaanak at kaibigan na pawang kasabwat sa surprise proposal, habang hawak ang mga letrang bumubuo ng “Will you marry me?” at “Yes daw!”

Bisperas ng Pasko nang mag- propose kay Nikki si Luis, isang media executive, triathlete, photograph­er, at traveler, habang namamasyal sila sa makasaysay­ang Calle Crisologo sa Vigan, Ilocos Sur.

Nauna rito, nag- celebrate ng kanilang third anniversar­y sina Luis at Nikki sa Boracay noong unang bahagi ng Disyembre.

Ito ang ikalawang pagpapakas­al ni Nikki. Taong 2007 nang ikinasal siya sa Filipino-Canadian na si

Christophe­r Lina sa St. John Bosco Parish sa Makati City, at simula noon ay nanirahan na sa Toronto, Canada pagkatapos ng kasal.

Gayunman, tumagal lamang ng dalawang taon ang kanilang pagsasama hanggang tuluyan silang nagkahiwal­ay noong 2009. May anak sina Nikki at Christophe­r, si Olivia. Samantala, nasa Truckee, California si KC at ang nobya niyang beauty queen-model na si Stephanie

Dods nang mag-propose siya rito. Christmas Day nang mag-propose si KC, 39, sa dalaga, at nag-post siya ng litrato nila sa Instagram, kung saan kitang- kita ang napakagand­ang engagement ring na suot ni Stephanie.

Serye ang nasabing posts ni KC, na ang una ay makikita silang nakatayo sa tuktok ng burol. Sa ikalawa ay makikita siyang nakaluhod sa harap ng girlfriend, at ang huli ay ang selfie nila habang suot na ni Stephanie ang singsing.

Katatapos lang ipagdiwang ni KC ang kaarawan ng kanyang soon-to-be-wife.

Nag-post siya ng litrato nila sa beach, at may caption na: “There are many things that I’m thankful for and you are the biggest one. Thank you for blessing me with your love. I love you endlessly my Princess. Happy birthday.”

Ito rin ang ikalawang pagpapakas­al ni KC, matapos silang maghiwalay ni Geneva Cruz noong 2012 makaraan ang anim na taong pagsasama.

Matatandaa­ng matagal na nakarelasy­on ng nakatatand­ang kapatid ni KC na si Troy Montero si Nikki. Happily married na ngayon si Troy sa dating sexy actress na si Aubrey Miles.

 ??  ?? Nikki at Luis kasama ang mga kaibigan at kaanak na kasabwat sa proposal
Nikki at Luis kasama ang mga kaibigan at kaanak na kasabwat sa proposal
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines