Balita

Kris, 22 na ang brand partners at marami pa ang kumukuha

- Ni REGGEE BONOAN

BAGO humudyat ng pagpapalit ng taon ay dumating na ng Pilipinas ang magiinang Kris Aquino, Joshua at Bimby at sinalubong sila ng personal assistant ni Kris for almost a decade na si Alvin

Gagui na may dalang red heart balloons at bouquet of flowers.

Ang saya-saya ni Kris nang makita si Alvin na ilang buwan ding nagbakasyo­n. Pinayagan ni Kris ang mahabang bakasyon ni Alvin para maalagaan ang magulang nito na nagkaroon ng malubhang karamdaman.

Ramdam na ramdam ang kaligayaha­n ng Queen of Online World and Social Media sa post niyang, “@alvingagui is back! He was waiting for us w/ my favorite balloons & flowers! Truly, it is going to be a very happy 2018!”

Pinuri rin ni Kris ang NAIA 3 personnel, “I have to commend the NAIA 3 personnel for being very proactive. There were many people arriving & long lines in immigratio­n but they did their best to speed things along. (Hindi po ako nagpapalap­ad ng papel nag-offer po sila na magdiploma­tic/APEC lane kami but I said sobrang nakakahiya & dapat makisama kami. The gesture was much appreciate­d but I want my sons to realize what the true bayanihan spirit is).”

Samantala, naaliw kami sa post ng mama nina Josh and Bimb dahil nagising pala siya dahil nakalimuta­n niyang maglagay ng Vicks at bumati ng Happy New Year.

Aniya, “I got up to put Vicks baby rub on my chest & on my feet w/ lavender essential oil wearing socks like what some of you suggested -- change in temperatur­e, nonstop runny nose is starting. Since tumayo na ko I decided: go for being pa-cute in 2018. Good night for real.”

Ngayong araw, Martes, Enero 2 ay back to work na agad si Kris. May mga meeting siya para sa maraming bagong brand partners at new endorsemen­ts puwera pa ang limang renewals para sa webisodes na naisara na ang deal bago nagtapos ang 2017.

Ongoing o live na ang PLDT, BDO, Smart Communicat­ions, National Bookstore at Nespresso. As of this writing, napag-alaman namin na may 22 brands partners/ endorsemen­ts si Kris at marami pa ang kumukuha na pawang malalaking accounts.

Kaya Happy New Year talaga ang 2018 para kina Kris, Josh at Bimb.

 ??  ?? Kris
Kris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines