Balita

Payo ni Pope Francis

- Bert de Guzman

MAGANDA at makahuluga­n ang payo ni Pope Francis sa mga mamamayan ng mundo ngayong 2018: “Kalimutan at itakwil ang walang halagang pabigat o basura sa buhay. Itakwil o iwasan ang pagiging materyalis­tiko. Iwasan ang walang katuturang mga salita o tsismis.”

Ipinahayag ito ng Santo Papa sa selebrasyo­n ng misa noong New Year sa St. Peter’s Basilica. Nais din ni Lolo Kiko na bawat tao ay humanap o magkaroon ng kahit kaunting panahon (o sandali) ng katahimika­n araw-araw sa piling at pakikipag-usap sa Diyos.

Sa pamamagita­n ng pakikipag-usap sa Maykapal, sinabi ni Pope Francis na magiging malaya ang tao sa tinawag niyang “banality of consumeris­m” o hilig-materyal, makaiiwas sa taginting ng komersiyal­ismo, ng patuloy na ingay at kaluskos na tinagurian niyang “empty chatter and loud shouting.”

Sa misa sa St. Peter’s Basilica, kinondena ng Santo Papa, ang nagaganap ngayong mga digmaan, inhustisya, pagwasak sa kapaligira­n at lipunan. Ipinayo niya ang pagtalikod sa “all sorts of useless baggage to rediscover what really matters-- and start from there.” Dagdag pa ni Lolo Kiko: “The wars are the flagrant sign of this repeated and absurd pride.”

Dahil sa kautusan (Executive Order 28) ni Pres. Rodrigo Roa Duterte na ipagbawal ang walang habas na paghahagis ng rebentador at iba pang uri ng paputok sa pagdiriwan­g at pagsalubon­g sa Bagong Taon, malaki ang ibinaba ng mga insidente ng pinsala, sugat at kamatayan sa mga tao. Ayon sa Department of Health, may 105 kaso lang ng pagkakasug­at o pinsala ang nairekord nila sa New Year’s Eve o pagbaba ng 68 porsiyento kumpara noong nakaraang taon (2017) na may 413 kaso ng pinsala at pagkakasug­at dahil sa walang habas na pagpapaput­ok.

Hulaan nga ninyo mga kababayan kung sino ang gov’t official na sisibakin ngayon (Enero 3) ni PRRD? Ayon kay presidenti­al spokesman Harry Roque, nais sana ni Mano Digong na tanggalin o sibakin na ang naturang opisyal noong Linggo ngunit nakumbinse niya ang Pangulo na ihayag na lang ito ngayon.

Ihahayag na sana ni Roque ang pagsibak sa pinuno noong Sunday (Dec. 31) subalit ipinasiyan­g gawin na lang ito sa Enero 3 upang ma-enjoy naman ng opisyal ang Bagong Taon. Samakatuwi­d, hindi alam ng pinuno na siya pala ay sisibakin. Ang sisibakin daw ay isang high-level official. Nosi ka? Nakikiusap ang Bangko Sentral ng...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines