Balita

Gesta puwedeng manalo kay Linares---Roach

- Gilbert Espeña

Sa pagkatalo sa puntos ni IBF light flyweight champion Milan Melindo kay WBA junior flyweight titlist Ryoichi Taguchi sa kanilang unificatio­n fight sa Tokyo, Japan noong Linggo ng gabi, sa mga kamao ngayon ni Mercito “No Mercy” Gesta nakasalala­y kung siya ang susunod ng kampeong pandaigdig ng Pilipinas.

Para kay Hall of Fame trainer Freddie Roach, malaki ang tsansa ni Gesta na talunin si Venezuelan Jorge “El Nino De Oro” Linares na itataya ang WBA at Ring Magazine lightweigh­t titles nito sa Enero 27 sa “Fabulous” Forum sa Inglewood, California sa Estados Unidos.

Ikinokonsi­dera ang 32- anyos na si Linares sa pangunahin­g pound-for-pound boxers sa buong mundo ngunit nagwagi lamang siya via 12-round split decision laban sa Amerikanon­g si Olympic gold medal winner Luke Campbell noong nakaraang Setyembre para mapaganda ang kanyang kartada sa 43-3-0 win-loss-draw na may 27 pagwawagi sa knockouts.

Ikalawang pagkakatao­n naman ito kay Gesta para sa world title matapos matalo sa puntos kay dating IBF lightweigh­t champion Miguel Vazquez ng Mexico noong 2012.

Maliban sa tabla kay Mexican Carlos Molina, nagtala ng limang sunod na panalo si Gesta mula sa pagkatalo kay Vasquez pinakahuli ang pagpapatul­og kay dating world rated Martin Honorio nitong Hulyo na isa ring Mexican sa Las Vegas, Nevada.

Idiniin ni Roach na sa ipinakikit­a sa ensayo ni Gesta sa Wild Card Gym sa Hollywood, California, umaasa siya na malaki ang pagkakatao­n ng Pilipino na may kartadang 31-1-2 win-loss-draw na may 17 knockouts na maging kampeong pandaigdig.

“We’re in a real tough fight. My guy [Mercito Gesta] is definitely getting ready for this fight. We’re going over a lot of strategy,” sabi ni Roach sa Boxingscen­e. com.

“We started sparring [recently], and it went well. We still have a lot of time to work a little more,” dagdag ni Roach. “He’s looking good so far. I feel we can win this fight. This is a good opportunit­y for us and we have to take advantage of it as much as we can.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines