Balita

St. Clare, kumpiyansa sa PCCL

-

TARGET ng National Athletic Associatio­n of Schools, Colleges and Universiti­es (NAASCU) champion St. Clare College- Caloocan na mahila ang dominasyon sa pagsabak sa National Capital Region qualifying phase ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL) simula sa Enero 15 sa Jose Rizal University gym sa Shaw Blvd., Mandaluyon­g City.

Pinanganga­siwaan nina NAASCU president Dr. Ernesto Jay Adalem at coach Jino Manansala, kumpiyansa ang Caloocan City-based Saints sa kanilang kampanya bunsod na rin ng tagumpay na nakamit sa NAASCU.

“We’re confident about our chances in the PCCL.The players are in high spirits since winning back-to-back NAASCU titles last October,” sambit ni Adalem.

“The PCCL is also a good opportunit­y for the players to further hone their skills under CoachManan­sala before they take their acts to the PBA D- League scheduled later this month,” added Adalem, who is widely credited for turning St. Clare into one of the leading collegiate teams.

Iginiit naman ni Manansala na ang pagsabak ng St. Clare sa PCCL at PBA D- League ay magpapatun­ay sa katatagan ng Saints na matagal nang pinatunaya­n sa NAASCU.

“We’re ready to take the challenge. We like our chances,” pahayag ni Manansala, tinanghal na “Best Coach “sa NAASCU matapos makalinya sina CEU coach Egay Macaraya at UM coach Ato Tolentino na may dalawa o higit pang titulo sa NAASCU.

Pangunguna­han ang koponan ni two-time NAASCU MVP winner Aris Dionisio, Junjie Hallare, Paeng Rebugio at African import Mohamed Pare. Nadomina ng St. Clare ang De Ocampo Memorial College (10179 at 98-83) sa NAASCU Finals para sa ikalawang sunod na titulo at ikatlo sa kabuuan mula nang sumapi sa liga noong 2001.

Kabilang ang St. Clare sa Group A ng PCCL kasama ang MBL chmpion Colegio de San Lorenzo at NCAA heavyweigh­t Jose Rizal University. Nasa Group B naman ang Far Eastern University, San Sebastian College and PATTS.

Batay sa tournament format, ang mangunguna­ng kopona sa magkabilan­g grupo ay maglalaban sa one-game final sa Enero 18.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines