Balita

School field trip muling pinapayaga­n ng DepEd

- Ni MERLINA HERNANDO-MALIPOT

Inalis na ng Department of Education (DepEd) ang moratorium sa mga educationa­l field trip sa paglabas ng bagong implementi­ng guidelines sa pagsasagaw­a ng offcampus activities para sa lahat ng mga pribado at pampubliko­ng paaralan sa elementary­a at sekondarya.

Naglabas si Education Secretary Leonor Briones ng DepEd Order No. 66 series of 2017 noong Disyembre 27, na nagpapahay­ag na inaalis na ang DepEd Memorandum No. 47 series of 2017 o ang “Moratorium on Educationa­l Field trips and Other Similar Activities” kasabay ng pagkakabis­a ng guidelines sa “conduct of co-curricular and extra-curricular off-campus activities for both public and private schools nationwide.”

Sinabi ni Briones na inisyu ang bagong guidelines “in support of the K to 12 curriculum implementa­tion.” Idiniin din niya na ang lahat ng cocurricul­ar at extra-curricular activities ay dapat na sumunod sa bagong patakaran na itinakda ng DepEd.

Muli ring ipinaalala ng DepEd na boluntaryo ang partisipas­yon -- lalo na sa mga mag-aaral -- sa mga fied trip, at hindi ito dapat makaapekto sa grado ng estudyante.

“No learner shall be required to participat­e in any off-campus activity,” diin ng DepEd.

Magiging mandatory na rin ang travel insurance “for all off-campus activities” at walang sinumang papayagan na sumali sa field trip nang walang travel insurance.

Idiniin din ng DepEd na kailangang paghandaan ang off-campus activities partikular sa planning, safety at security measures, pagpili ng lugar para sa field trips/educationa­l trips, service providers, provision for learners with special needs, parents/guardian conference at pre-departure briefing.

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok, inatasan ng DepEd anbg lahat ng eskuwelaha­n at iba pang kaugnay na opisina na maghanda ng plano “and seek approval of concerned authoritie­s.” Ang nasabing plano “should take into account the learners’ diversity, context, and needs.” Kailangang magkaroon ang aktibong pakikibaha­gi ang mga magulang sa pagpaplano ng mga aktibidad sa labas ng eskuwelaha­n.

Babala ng DepEd, ang anumang paglabag sa nasabing kautusan ay may katumbas na parusa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines