Balita

R4- M cash at gamit tinangay sa hotel, guests

- Nina MARTIN A. SADONGDONG at BELLA GAMOTEA

Apat na hindi pa nakikilala­ng magnanakaw ang pumasok sa loob ng isang hotel sa Pasay City, at tinangay ang tinatayang nasa P4 na milyong cash at iba pang gamit mula sa management, guests at hotel employees kahapon, isang araw matapos ang Bagong Taon.

Ayon kay Police Officer 3 Catalino Gazmen, case investigat­or, apat na magnanakaw na tinatayang nasa edad 25-30 ay armado ng baril nang pasukin ang Mabuhay Manor Hotel na matatagpua­n sa No. 2933 Ortigas Street, Pasay, dakong 3: 19 ng madaling araw.

Mapapanood sa closed-circuit television (CCTV) footage sa loob ng hotel ang pagpasok ng apat na suspek sa lobby habang ang ilang guests ay papalabas na ng hotel.

Kabilang sa mga biktima ang magkapatid na sina Dominador Castro, 57; Roberto Castro, 50, at si Josephine Tadoy, 54; ang kanyang asawa na si Alex, 62; Rudy de Guzman, 48, night auditor ng hotel; Jay-ar Papa, 24, front desk clerk; at Jho-an Jabagat, 30, security guard.

Sa eksklusibo­ng panayam sa Balita, sinabi ni Josephine na magche-check out na sila sa hotel at babayaran na ang kanilang bill nang pumasok ang mga suspek at nagdeklara ng hold-up.

Sinabi ni Josephine na ang kanyang kapatid na si Dominador, na kararating lang mula sa United States, ay nag-check-in sa nasabing hotel noong Nobyembre 26.

Base sa police report, agad dinisarmah­an ang guwardiyan­g si Jabagat nang dumating ang mga suspek, habang sinabi ni Josephine na nakasuot ng face mask ang tatlo sa mga suspek.

“Pa- check out na sana kami dahil pupunta kami ng Pangasinan at Nueva Ecija to meet our relatives. Pagpasok nila ( mga suspek), pinadapa kami tapos ‘ yung isang suspek na walang takip ang mukha sumisigaw siya ‘Nasaan ang vault, nasaan ang vault?!’” paggunita ni Josephine.

Makalipas ang ilang sandali ay nilapitan ng suspek na hindi nakaface mask ang desk clerk na si Papa at inumpog ang ulo nito sa pader nang tumangging ituro ang kinalalagy­an ng vault, ayon kay Josephine.

“Humingi ako ng tubig kasi hinahighbl­ood na ako. ‘Yung kapatid ko (Roberto) humingi ng tubig sa mga suspek, buti binigyan naman kami pero binantaan kami na ‘wag daw kami gagawa ng ingay kasi papatayin daw kami,” dagdag niya.

Isa naman sa mga suspek ang sumapak sa team leader na si De Guzman habang siya ay nasa cashier, isinubsob sa sahig at ipinaturo at ipinabukas ang vault.

Ilan sa mga tinangay ng mga suspek ay ang Presidente Rolex watch ni Dominador; cell phone; backpack; gintong kuwintas at gintong singsing na nagkakahal­aga ng USD 62,015; relo ni Roberto, eyeglass, Ipad, powerbank at cellphone na aabot sa kabuuang USD 2,900 at P3,000 cash; backpack ni Josephine; cell phones, wedding ring, gintong bracelet, dollars, earrings na nagkakahal­aga ng USD2,100 at P12,000 sa kabuuan; at P10,000 cash ni Alex; cell phone, digital watch, gintong singsing na nagkakahal­ag ng USD1,730; ID bank accounts; at maging ATM cards ay tinangay sa magkapatid.

Samantala, tinangay din ng mga suspek ang P6,000 ni De Guzman; cell phone ni Papa na nagkakahal­aga ng P12,000; caliber .38 revolver at cell phone ni Jabagat na nagkakahal­aga ng P13,000 at ang kita ng management na P53,000 at ang company phone na nagkakahal­aga ng P6,000.

INSIDE JOB?

Sinabi ni Gazmen na sinisilip nilang inside job ang isa sa mga posibleng motibo sa pagnanakaw dahil “the management of the hotel failed to deposit their hotel income to the bank.”

“Tinitingna­n natin ‘yan dahil posibleng may nagsabi sa isa sa mga empleyado ng impormasyo­n na hindi na-remit ‘yung kita ng hotel sa mga suspek,” sinabi niya sa hiwalay na panayam.

Tumakas ang mga suspek, gamit ang Hyundai Starex van, patungo sa direksiyon ng Service Road sa Roxas Boulevard makalipas ang ilang minuto. Inaalam pa ang plaka ng van, ayon kay Gazmen.

“Kung inside job man ‘yun, sana makonsensy­a siya dahil kararating lang ng kapatid ko ( Dominador) tapos Bagong Taon ganito ang nangyari sa amin. Kakabirthd­ay lang niya kahapon eh ngayon na-trauma kaming lahat sa nangyari,” sabi ni Josephine.

 ?? ALI VICOY ?? PAGGULONG NG IMBESTIGAS­YON Pinuntahan ng mga Pasay City police ang Mabuhay Manor Hotel sa Ortigas Street, Pasay City upang imbestigah­an ang panloloob ng apat na armado kahapon. Aabot sa P4 na milyong cash at gamit ang nakuha sa hotel, mga empleyado, at guests.
ALI VICOY PAGGULONG NG IMBESTIGAS­YON Pinuntahan ng mga Pasay City police ang Mabuhay Manor Hotel sa Ortigas Street, Pasay City upang imbestigah­an ang panloloob ng apat na armado kahapon. Aabot sa P4 na milyong cash at gamit ang nakuha sa hotel, mga empleyado, at guests.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines