Balita

5 BFP officials sinibak sa Davao mall fire

- Nina FER TABOY at YAS OCAMPO

Limang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Davao City ang sinibak sa puwesto at nakatakdan­g sampahan ng mga kasong administra­tibo at kriminal kaugnay ng pagkakatup­ok ng NCCC Mall sa siyudad, na ikinasawi ng 38 katao dalawang araw bago magPasko.

Kinilala ni Senior Supt. Wilberto Rico Neil Kwan Tiu ang mga sinibak na opisyal ng BFP na sina Supt. Honee Fritz Alagano, city fire marshall; Insp. Renero Jimenez, fire station commander ng Talomo; SFO1 Leo Lauzon, na nagsagawa ng inspeksiyo­n sa SSI call center sa loob ng mall; FO2 Joel Quizmundo, fire safety inspector ng NCCC Mall; at SFO1 Roger Dumag, hepe ng Fire Safety Enforcemen­t section.

Napag-alaman ng inter-agency anti-arson task force na nagpalabas ng fire safety inspection certificat­e sa NCCC Mall at SSI gayung may mga nilabag umano ang mga ito sa Fire Code of the Philippine­s.

Batay sa paunang imbestigas­yon ng task force, ikinokonsi­dera nito ang pagpapataw ng sanction laban sa SSI at NCCC Mall kaugnay ng insidente.

Ayon sa task force, ang fire alarm system ng SSI ay hindi konektado sa central fire alarm ng NCCC Mall, bukod pa sa wala umanong automatic fire suppressio­n system ang SSI.

Lumabag naman ang NCCC Mall sa hindi umano’y paggana ng automatic fire system sa ikatlo at ikaapat na palapag ng establisim­yento dahil sarado ang floor control valve nito.

Wala rin umanong sprinkler heads ang ikatlong palapag ng mall at wala ring full enclosures ang fire exit, kaya pumasok ang usok at init ng apoy sa establimye­nto.

Una nang inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi bahagi ang pamahalaan­g lungsod sa task force na nag-iimbestiga sa insidente makaraang tukuyin ng ilang kritiko ang umano’y “ties” ng pamilya Duterte sa NCCC.

 ?? JOJO RIÑOZA ?? HULING HIRIT Nag-enjoy ang mga turista sa huling araw ng mahabang holiday vacation sa Cuenco Island sa Hundred Islands National Park sa Alaminos City, Pangasinan. Balik-trabaho at balik-eskuwela na ang publiko ngayong Miyerkules.
JOJO RIÑOZA HULING HIRIT Nag-enjoy ang mga turista sa huling araw ng mahabang holiday vacation sa Cuenco Island sa Hundred Islands National Park sa Alaminos City, Pangasinan. Balik-trabaho at balik-eskuwela na ang publiko ngayong Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines