Balita

Magandang pagtatapos, lalong magandang simula

(Pangalawa sa dalawang bahagi)

- Manny Villar

MALIGAYANG 2018 sa lahat ng mambabasa. Naging maganda ang nakaraang taon, at inaasahang lalong magiging maganda ang 2018.

Nakumpirma ito sa isinagawan­g survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 47 porsiyento ng mga tumugon sa survey ay naniniwala­ng gaganda ang sariling buhay nila sa susunod na 12 buwan. Ito ay itinuturin­g na “excellent” ng SWS. “Excellent” din ang antas na 43% ng mga naniniwala na bubuti pa ang ekonomiya sa 2018.

Ang patuloy na pagsulong ng ekonomiya ay nangangahu­lugan ng lalo pang maraming trabaho para sa ating mga mamamayan at magpapataa­s sa kinikita ng mga sambahayan. Ayon sa World Bank, sa pagitan ng 2012 at 2015 ay tumaas ng 7.6% bawat taon ang kinita ng mga nasa ibabang 40% ng pamamahagi ng kinikita.

May mas mabuting paraan ng pagsukat sa pangako ng 2018 para sa mga negosyante­ng Pilipino. Napakarami­ng negosyo – maliit man o malaki – ang sumusulpot sa mga mall, at sa iba’t ibang panig ng mga bayan.

Mabuti ito dahil maraming tao ang nagiging negosyante, at marami ring tao ang nabibigyan ng hanapbuhay. Mas maraming salapi ang naiuuwi sa bahay para gastusin sa pagkain, upa, matrikula at iba pang pangangail­angan.

Ako mismo ay nakumpirma ito. Ang aming negosyo ay lalong lumalaki at napakalaki ng kinikita. Para sa aming negosyo, ito na ang pinakamaga­nda sa nakalipas na 15 taon.

Alam ng lahat na ang pangunahin­g negosyo ng Vista Land ay pabahay, ngunit namamangha ako sa bagong negosyo namin sa pagtitingi. Maganda ang pagganap ng aming AllHome, na may 17 sangay at ang AllDay convenienc­e store na may halos 100 tindahan.

Ang aming Coffee Project ay may 21 sangay na ngayon at kabubukas lamang ng pinakahuli­ng sangay sa Taft Avenue, malapit sa De La Salle University. Isa pang sangay ang malapit nang buksan sa BGC.

Nagtayo rin kami ng Bake My Day, na magsisilbi ng tinapay at pastries sa istilong Europeo. Mabibili rito ang Okonomiyak­i bread, isang uri ng Japanese savory pastry na may iba’t ibang sangkap.

Pinasok na rin namin ang hospitalit­y industry sa pamamagita­n ng aming unang Hotel Mella na bubuksan sa Las Piñas sa Mayo 2018 at susundan ng iba pa sa Boracay, Tagaytay, Balanga (Bataan) at Cebu. Ito ay isa pang pagkilala sa lumalakas na industriya ng turismo.

Simple lang ang prinsipyo na gumagabay sa paglaki at paglawak ng aming negosyo. Hindi namin hangad ang maging pinakamala­ki kundi ang maging pinakamabu­ti. Nais naming ialok sa mga Pilipino ang pinakamaga­ndang bahay, pinakamaga­ndang mall at sinehan, pinakamabu­ting karanasan sa hotel, pinaka-katangi-tanging coffee shop, panaderya at supermarke­t.

Hindi kami nag-iisa sa hangaring ito dahil malakas ang kumpetisyo­n. Ito rin ...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines