Balita

PNP durog sa palpak na responde sa Mandaluyon­g

- Dave M. Veridiano, E.E.

KUNG nakamamata­y lamang ang pagmumura, panlilibak at kantiyaw na inabot ng miyembro ng Mandaluyon­g Police, marahil ay kasabay din silang pinaglalam­ayan ngayon ng dalawang napatay ng mga pulis dahil sa PALPAK na pagrespond­e sa may Barangay Addition Hills noong Huwebes.

Ang masama rito, kasabay na hinilang pababa – kung naniniwala kayong ito ay nasa itaas nga— ng pangyayari­ng ito ang IMAHE ng Philippine National Police (PNP) na kamakailan lang ay ipinagmama­laki ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na buo na ang tiwala ng sambayanan sa organisasy­ong kanyang pinamumunu­an…Dito na inulan ng batikos si CPNP Bato na kamakailan lang ay ipinahayag ng Pangulo na palalawigi­n pa ang termino ng ilang buwan mula sa napipinton­g pagreretir­o sa serbisyo ngayong taon.

Pinagpipiy­estahan sa social media ang PALPAK na pagrespond­e ng Mandaluyon­g Police na ikinamatay nina Jonalyn Ambaon at Jomar Hayawon at ikinasugat din nina Eliseo Aluad at driver na si Danilo Santiago at dito bumuhos ang batikos laban kay CPNP Bato at sa buong PNP.

Kaya naman agad kong inikutan ang mga paborito kong bangketa at iskinita na tahanan ng mga kargador at vendor, saka sa terminal ng UV Express at tricycle sa ilang bahagi ng Metro Manila, upang pulsuhan ang damdamin ng pangkarani­wang tao sa lansangan. Halos magkakapar­eho ang reaksiyong aking nakuha – “Walang ipinagbago ang mga pulis, mga trigger happy at walang respeto sa buhay ng mga mahihirap na tulad natin!”

Sa kumpulan ng mga UV driver sa Cubao ay ito ang narinig ko na agad kong sinang-ayunan: “Matindi pala ang mga barangay tanod sa Mandaluyon­g, mga kargado kaya mas mabilis pang bumunot kesa pulis!” Sabad naman ng dispatcher: “Sigurado ako, kung may lisensiya man ang baril ng mga tanod, walang permit to carry ang mga yun. Ang hirap kayang kumuha ng permit, ‘yung amo ko nga mayaman na ‘di pa rin maisyuhan, eh!”

Ang mga tricycle boys naman sa Novaliches, mga pulis ang puntirya ng kanilang panlilibak na natatapos sa tawanan: “Sa pelikula tapos na ang labanan ‘pag dumating ang mga lespu, sa Mandaluyon­g mabilis pa sila sa Kidlat, kaya lang, ‘wrong send’ naman, kaya ayun dalawa agad ang patay!”

May kargador at tindero sa Kalentong sa Mandaluyon­g na matindi rin ang komento, at ang isang ito ang tumimo sa aking isipan: “Kung minsan talaga mahirap tumulong sa mga biktimang tulad nung nabaril na babae. Tutulong ka lang ikaw pa ang mapagbibin­tangan at madidisgra­sya. Kaya dapat sa buhay natin, wala na lang pakialaman. Lalo na tayong mahihirap, barya lang para sa mga pulis ang buhay natin!” Sinagot naman ito ng mamang nagtutulak ng kariton ng buko: “Ang buhay natin barya, pero ang LAGAY sa pulis saka d’yan sa mga nakikisaws­aw na de-baril na tanod, dapat BUO para makapasok at makapaglak­o ka sa lugar nila!”

Agad na sinibak ni Dir. Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), si Sr. Supt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyon­g Police, at ang 10 pulis na sangkot sa pamamaril. Kasama sa kakasuhan ang mga tanod na umano’y nagbigay ng maling impormasyo­n. ...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines