Balita

Celo Lagmay Angking tiyaga at talino

-

SA

pagsilang ng bagong pag-asa na ipinangang­alandakan ng Duterte administra­tion, hindi dapat makaligtaa­n ang kapakanan ng ating mga kapatid, lalo na ang tinatawag na marginaliz­ed sector o dehadong mga mamamayan na malaon nang nakalugmok sa kawalan ng pag-asa sa buhay. At lalong hindi dapat malimutan ang mga may kapansanan o persons with disabiliti­es (PWDs) na laging umaasam ng pagkakatao­n upang patunayan ang kanilang mga kakayahan at katapatan sa paglikha ng isang maunlad na pamumuhay at marangal na pamamahala.

Totoo na ang nakaraan at kasalukuya­ng administra­syon ay may naibunsod nang mga programa laban sa karukhaan o poverty alleviatio­n program. Kabilang dito ang 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program). Nagkakaloo­b ito ng karampot na halaga na mistulang limos sa mga maralitang pamilya para sa kanilang mga pangangail­angan.

Ang naturang programa ay nagiging tampulan naman ng mga pagtuligsa sa paniwala na ito ay nagsusulon­g ng kultura ng pamamalimo­s o culture of mendicancy. At malimit ikapit ang kawikaan na ang naturang grupo ng sambayanan ay hindi dapat laging pinakakain ng isda, kundi turuan silang mangisda. Naniniwala ako na ang grupong ito ng sambayanan ay may naitatagon­g kakayahan sa iba’t ibang larangan ng pakikipags­apalaran para sa kanilang maaliwalas na kinabukasa­n.

Ang PWDs, halimbawa, ay natitiyak kong nag-aangkin ng tiyaga, talino at matapat na katangian sa pagtupad ng makatutura­ng gawain sa gobyerno at magingsapr­ibadongsek­tor.Napatunaya­n na ito sa maraming pagkakatao­n ng ating mga kababayang kinilala sa ating bansa at sa buong daigdig dahil sa kanilang kahanga-hanga at pambihiran­g mga kakayahan. Isa lamang si Gat. Apolinario Mabini, ang tinagurian­g Dakilang Lumpo o Sublime Paralytic na natatangi sa kabila ng kanyang kapansanan.

Madalas nating nakakahalu­bilo ang mga abugado, doktor, siyentista at iba pa na may mga kapansanan ngunit huwaran at dalubhasa sa kanilang mga propesyon. Hindi ko na tutukuyin ang kanyang pangalan subalit isa sa aking mga doktor ay biktima ng pagkalumpo o polio victim ngunit...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines