Balita

Masakit ka sa ulo, 2017 --Angelica

- Ni REGGEE BONOAN

MARAMING Kapamilya stars ang nagpunta sa Japan para roon salubungin ang 2018 at isa sa kanila si Angelica Panganiban. Nagtungo siya sa Sapporo na pinagsyuti­ngan ng blockbuste­r movie na Kita Kita nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

May kuha si Angelica nitong Enero 1 na ipinost niya sa Instagram na nakapikit at hawak ang noo at may caption na, “Masakit ka sa ulo 2017 pero ito ang pinakamasa­yang taon ko. Sa pagtitiwal­a, pero binigo. Sa pag-iyak, pero kinaya. Sa pagtawa ng walang humpay. Sa pagkakaron ng mga bagong kaibigan. Sa mga kaibigan na nabalik. Sa mga lugar na bagong naramdaman. Sa pagkakatao­n na sinubukan. Sa mga tagumpay na pinasalama­tan. Thank you 2017. Exciting 365 days ahead happy new year guys!!!”

As of press time, umabot na sa 94,865 likes ang IG post na ito ng aktres at binasa namin ang mga komento na pawang words of encouragem­ents sa dalaga at may mga nagsasabi na makakatagp­o rin daw siya ng para sa kanya na karapat-dapat.

Marami ring nagsabing bilib sila sa katapangan ni Angelica dahil nakayanan niyang lahat ang mga problemang dumaan sa buhay niya at naging ehemplo siya ng mga katulad niyang nabigo sa pag-ibig.

Hindi diretsong binanggit ang pangalan ng ex-boyfriend ng dalaga na si John Lloyd Cruz pero may nagcomment ng, “LODI talaga sa mga lalim ng captions.”

Hmmm, parang timing naman ang hugot post ni Angelica dahil ipapalabas na sa Enero 17 ang pelikula nila ni Judy Ann Santos na Dalawang Mrs. Reyes na produced ng Quantum Films, IdeaFirst Company at Star Cinema mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana.

 ??  ?? Angelica
Angelica

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines