Balita

Teachers mas lalaki ang kita sa TRAIN

- Merlina Hernando-Malipot

Sa gitna ng mga pagbatikos sa tax reform program ng pamahalaan, sinabi kahapon ng Department of Education (DepEd) na makikinaba­ng dito ang public school teachers dahil tatanggap sila ng mas mataas na suweldo at dagdag na allowances simula ngayong taon.

Sa isang pahayag, muling idiniin ni Education Secretary Leonor Briones ang suporta sa Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) na aniya ay “consistent” sa pagsusupor­ta ng DepEd sa tax reform package ng administra­syong Duterte “as a means to significan­tly develop the country’s human capital.”

Ang TRAIN, ayon kay Briones, ay naayon din sa kanyang “commitment to continuous­ly provide adequate compensati­on for the invaluable contributi­on of teachers to nation-building.” Binangit niya na sa pamamagita­n ng TRAIN, “educators are set to receive additional net take home pay and allowances beginning January 2018.”

Ayon sa DepEd ang Teacher 1 (Salary Grade 11) – na walang dependents at mayroong starting basic salary na P19,620.00 – ay may take home pay na P17,220.86 kasama ang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) sa 2017 tax schedule.

Gayunman, sa pagpapatup­ad ng TRAIN law at 3rd tranche ng Salary Standardiz­ation Law (SSL) ng 2015, ang “Teacher 1 is expected to receive a gross basic salary of P20,179 and will have a net take home pay (NTHP) of P20,012.89 (with PERA).”

Ayon sa DepEd, ang halagang ito ay katumbas ng “total net increase of 16.21% or P2,792.03 per month.”

Bukod sa pagtaas sa kanilang take home pay, tataas din ang annual “chalk allowance” ng mga guro mula P2,500 sa P3,500. Inilalaaan ang allowance na ito sa pagbili ng chalk, eraser, at iba pang classroom supplies at materials.

Samantala, sinabi ng DepEd na mayroon ding P1,000 dagdag sa clothing allowance – mula P5,000 ay magiging P6,000 na ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines