Balita

Seafarers pinapipili ng susunod na MARINA chief

- Genalyn D. Kabiling

Hinihikaya­t ng Malacañang ang Filipino seafarers’ groups na magrekomen­da ng tao para maging susunod na administra­tor ng Maritime Industry Authority (MARINA) matapos sibakin sa puwesto si Marcial Amaro III dahil sa madalas na pagbiyahe sa labas ng bansa.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque sa seafarers na maaari silang magsumite ng nominasyon sa Office of the President para sa konsideras­yon.

“Nanawagan tayo lalung-lalo na doon sa mga asosasyon ng mga seaman, kayo na po ang mag-nominate. Dahil iyan namang MARINA ay para sa inyo ‘no, hindi po para sa mga barko,” ani Roque sa isang panayam sa radio.

“So kayo na po ang magsabi kay Presidente kung sino ang tingin ninyo na karapatdap­at na umupo diyan sa MARINA,” dagdag niya.

Kamakailan ay sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Amaro matapos itong bumiyahe ng 24 na beses sa ibang bansa sa loob lamang ng dalawang taon, na para sa Pangulo ay “excessive.” Karamihan ng mga biyahe ni Amaro ay binayaran gamit ang pera ng gobyerno.

Nauna rito ay lumiham ang Alliance of MARINA Employees sa Pangulo na inirerekla­mo ang diumano’y foreign junket trips ni Amaro. Pinansin ni Duterte ang reklamo at pinaimbest­igahan ang mga biyahe ni Amaro.

MAY SUSUNOD PA

Samantala, nagpahiwat­ig di Roque na hindi si Amaro ang magiging huling opisyal ng pamahalaan na magsisibak dahil sa pagmamalab­is sa serbisyo publiko.

Ibinunyag ni Roque na iniimbesti­gahan ng Malacañang ang iba pang mga reklamo laban sa ilang opisyal at tiniyak na walang sasantuhin ang Pangulo sa kampanya laban sa katiwalian.

“Naku madami pa,” ani Roque sa radyo. “Ngayon po alam ko mayroon pang dalawang pending na reklamo diyan at pinatiting­nan po talaga iyan sa Presidenti­al Management Staff.”

Tiniyak ni Roque na hindi binabalewa­la ng Pangulo ang mga reklamong ipinapadal­a sa kanya mga mamamayan sa Palasyo kaugnay sa mga abusadong opisyal ng gobyerno.

“Pinapansin po niya,” ani Roque tungkol sa mga reklamo ng publiko laban sa mga opisyal.

Muling pinaalalah­anan ni Roque ang mga opisyal ng gobyerno na ayusin nila ang kanilang trabaho at iwasan ang mga tiwaling gawain para hindi masibak sa puwesto.

“Siguro po matuto ng leksiyon ang lahat diyan ‘no na wala talagang sinasanto ang Presidente,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines