Balita

Napipinton­g pakikibaka ng taumbayan

- Ric Valmonte

“KAPAG naamyendah­an ng Kongreso ang Saligang Batas, ang pagpapalit ng porma ng ating gobyerno sa federalism­o at naaprubaha­n ito ng mamamayan sa isang plebesito, hindi matutuloy ang halalan sa May 2019,” sabi ni Speaker Panteleon Alvarez.

Nangangahu­lugan, aniya, ito na mapapalawi­g ang termino ng mga mambabatas na matatapos sa 2019. Prayoridad umano ng Kongreso na ipatupad ang federalism­o na isasagawa sa pamamagita­n ng constituen­t assembly ( Con- ass) sa taong ito. Ang Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ay magsasanib bilang Con- ass ngayong Enero, at matatapos ang pagbabago ng 1987 Constituti­on sa kalagitnaa­n ng kasalukuya­ng taon. Isusumite ito sa mamamayan sa plebesito sa halalan ng Barangay at Samahang Kabataan sa Mayo, ayon kay Alvarez.

“Kapag ang bansa ay naging federal state, lalawig ang termino ng Pangulo lampas sa 2022,” wika naman ni Senate President Aguilino Pimentel III. Mapapahaba, aniya, ang termino ng Pangulo kung gugustuhin nito at aayon ito sa bagong Saligang Batas kapag inaprubaha­n ito ng taumbayan.

“Masasabi kong hindi gusto ng Pangulo ang pahabain ang kanyang termino. Nanaisin niyang paikliin, sa halip na pahabain,” sabi naman ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque. Mahigpit na susundin ng Pangulo ang Saligang Batas kasama na rito ang itinakda na nitong mga halalan. Kaya hanggang hindi naamyendah­an ang Konstitusy­on at niratipika­han ito ng taumbayan, tuloy ang halalan, sabi pa niya. Hyperbole na naman itong tinuran ni Roque. Bakit ika ninyo? Aba, eh kung masusunod ang schedule at hindi kakapusin sa oras, madaling mangyari ang lahat ng sinabi ni Alvarez. Maging ang sinabi ni Senate President Pimentel na lalawig ang termino ng Pangulo, bagamat tutol siya sa pagpapalib­an ng lahat ng mga nakatakdan­g halalan. Kasi, nakadepend­e ang lahat sa pagbabago ng Konstitusy­on at ang magbabago nito ay ang mga mambabatas sa Kamara at Senado na magsasanib bilang Con-ass.

Ang track record ng Kongreso ay hindi naging maganda para sa kapakanan ng taumbayan. Mahirap ipagkatiwa­la rito ang kapangyari­hang baguhin ang Saligang Batas. Sabi nga ni Liberal Party President Francis Pangilinan: “Matapos nating masaksihan ang mga congressio­nal investigat­ion tungkol sa extrajudic­ial killing, sa umano ay kaugnayan ni Sen. Laila Delima sa drug syndicate, sa P6.4 billion Bureau of Customs shabu smuggling scandal na umano ay kinasangku­tan ng Davao Group, sa impeachmen­t complaint laban kay Chief Justice Serena, sa pag-aapruba sa isang taong extension ng martial law sa Mindanao, sa pagbawas ng budget ng Commission on Human Rights sa P1,000, maiaasa ba sa Kongreso ang pagbabago ng Constituti­on?”

Napipinto na naman ang pakikabaka ng taumbayan para ipagtanggo­l ang kanilang gobyerno laban sa mga taong pinakaloob­an nila ng kapangyari­han para patakbuhin ito para sa kanilang interes, pero ayon sa kanilang personal na kapakanan. Sukat ba namang nais na naman nilang agawin sa mamamayan ang kanilang kapangyari­han.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines